Hindi maikakailang toxic ang social media lalo na sa mga artista na nakakatanggap ng iba’t-ibang batikos at pangungutya. Isa na rito ang Kapamilya singer na si Jona.
Sa isang episode ng Magandang Buhay, inamin ni Jona na nagkaroon siya ng social media detox kasunod ng pansamantalang pagpapahinga niya mula sa showbiz.
Pag-amin niya, nakaramdam siya ng “burnout” o pagkapagod dahil sa paggamit ng social media sa kabila ng tunay niyang nararamdaman.
"Even social media parang na-burnout din. Kasi 'yung unang panahon sa social media, parang happy ka pa na nagpo-post dahil you just enjoy posting, sharing and all. Pero parang nag-iiba na ang takbo ngayon ng social media,” pagbabahagi ni Jona.
READ: Jona responds to bashers laughing at her decision to move to ABS-CBN five years ago
Ani pa ni Jona, hindi na umano tama ang kanyang nagiging pananaw sa paggamit ng social media dahil mas pinagtutuunan niya na ng pansin kung ano ang mukukuha niyang reaksiyon mula sa publiko.
“Parang when you post, masyado ka nang concerned sa maganda ba ang post ko, maganda ba ang caption ko, marami bang likes 'to, magkakaroon ba ako ng maraming followers. But mali 'yung ganoong perspective. So kailangan kong itama ang perspective ko during my absence,” aniya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Hinangaan ng maraming fans ang performances ni Jona sa nakaraang benefit concert ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Samantala, patuloy naman na napapanood si Jona sa programang ASAP ng kanyang mga tagahanga.