• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sina Sofia Andres at Daniel Miranda noong Valentine’s Day.

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla nag-camping kasama sina Sofia Andres, Daniel Miranda

Kasama nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sina Sofia Andres at Daniel Miranda noong Valentine’s Day.

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla nag-camping kasama sina Sofia Andres, Daniel Miranda-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/16/2022 07:08 PM
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla nag-camping kasama sina Sofia Andres, Daniel Miranda
Photo credit to @bernardokath Instagram

May ka-double date ang real-life celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagdiriwang nila ng araw ng mga puso ngayong taon. 

Kasama nila ang kanilang mga kaibigan na sina Sofia Andres at Daniel Miranda. 

Kakaiba ang naging date nila dahil imbes sa magarbong restaurant o resort, pinili nila na mag-camping sa Airstream na kilalang brand ng camping van sa Amerika. 


“V Day, 2022,” caption ni Kathryn sa kanyang Instagram post. 

Tingnan ang mga post sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Sina Sofia at Daniel naman ay isa din sa kinakikiligan na young couples sa bansa dahil sa kanilang pagiging responsableng magulang sa kanilang anak na si Zoe. Taong 2017 nang kumpirmahin nila na nagde-date sila. 

Samantala, sina Kathryn at Daniel sa itinuturing na isa sa pinakasikat na love team sa bansa. Maliban sa mga sinubaybayang teleserye, maraming pelikulang din ang pinagbidahan ng dalawa na tumabo sa takilya. 

READ: Daniel Padilla shares sweet photos with Kathryn Bernardo

Una nang sinorpresas ni Daniel sa Kathryn, ang ina nito na si Mommy Min, at ang pamangkin na si Lhexine ng mga bulaklak. 

Ngayong darating na Mayo, ipagdiriwang nina Kathryn at Daniel ang kanilang ika-sampung taon bilang isang couple.