• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa naglalabas ng pahayag si James Reid sa umano’y paglipat niya sa US.

James Reid, lilipat na umano sa US; onscreen project kasama si Nadine Lustre, imposible na?

Hindi pa naglalabas ng pahayag si James Reid sa umano’y paglipat niya sa US.

James Reid, lilipat na umano sa US; onscreen project kasama si Nadine Lustre, imposible na?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/16/2022 09:39 PM
James Reid, lilipat na umano sa US; onscreen project kasama si Nadine Lustre, imposible na?
Photo credit to @carelessph Instagram | Photographed and edited by @janvmayo

Nagdesisyon na umano na lumipat at manirahan sa US na ang aktor at singer na si James Reid. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

Sa ilang Instagram stories ng mga kaibigan ni James, makikitang nagbibigay na ito ng mensahe para sa kanya na nagpapahiwatig ng pag-alis nito.


Ayon sa isang fan na may Twitter username na @livelikepotter, nagpa-despedida ang mga kaibigan ni James dahil aalis na ito papuntang Los Angeles, USA. 

Bagama’t hindi umano ito makapaniwala, masaya naman siya para sa kanyang hinahangaang personalidad. 

“They threw James Reid's despedida last night. I know he’s going to leave for LA pero it still can’t wrap my head around it - too surreal, but I’m happy for him & still wish him the very best regardless,” aniya. 

 

 

Ani ng kaibigan ni James na si Fiona Faulker na nagbahagi ng litrato na tila kuha mula sa nasabing farewell party: “Going to miss you brother.” 

James Reid lilipat na umano sa US

Sa isa pang story ni Fiona, makikitang suot-suot nila ang mga polo na may “tropical vibe” at may caption na: “The tropical print brainvibe.” 

James Reid lilipat na umano sa US

Sa isa namang Instagram story na ibinahagi ni James, makikita ang isang cake na may mensaheng “Bon Voyage and Good Luck James Reid!” 

James Reid lilipat na umano sa US

Bagama’t hindi pa ibinabahagi ni James ang dahilan ng kanyang pag-alis, naniniwala naman ang ibang fans na lumipad ito upang matupad ang kanyang pangarap na mas makilala pa ang kanyang musika sa ibang bansa. 

READ: James Reid stirs up speculations with mystery girl

Bagama’t nagkakatrabaho pa si James at ang dating kasitahan nito na si Nadine Lustre sa larangan ng musika, tila palaisipan kung magkakaroon pa nga ba ng pagkakataon na magkatrabaho ang dalawa sa isang onscreen project.