• Home
  • Fresh Scoops
  • Trending ngayon ang legendary singer na si Cher sa mainit na engagement niya sa Filipino netizens.

Legendary singer Cher, for women empowerment in Philippine government?

Trending ngayon ang legendary singer na si Cher sa mainit na engagement niya sa Filipino netizens.

Legendary singer Cher, for women empowerment in Philippine government?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/16/2022 07:41 PM
Legendary singer Cher, for women empowerment in Philippine government?
Photo credit to @Cher Instagram

Tila umabot na sa international stage ang mainit na isyu ng May 2022 national election kung saan iluklok ang susunod na lider ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng social media, tila nai-dulog ng Filipino netizens ang kanilang paghingi ng suporta sa ilang Hollywood stars kabilang na ang legendary and iconic singer na si Cher.

Kasunod ito ng pagpapahayag ni Cher ng suporta sa mga babaeng nangunguna sa kanilang personal na adbokasiya.


Sa isang Twitter post ng iconic singer tila sinagot nito ang isang netizen at sinabing, “Excuse Dont Know Leni.”

 

 

Sa reply section, isang netizen na tila supporter rin ng Presidential aspirant ang nagpakilala kay Vice President Leni Robredo na kumakandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas.

“Leni Robredo is the current Vice President of the Philippines and soon to be our President!” pahayag ng isang netizen na sinundan ng pink heart emoji. 

 

 

Sa sumunod na tweet, tila naliwanagan na si Cher kung sino nga ba si Leni. Sa reply ng Iconic singer pinuri nito ang matapang na laban ng kahit na sinong babae sa lipunan. 

“BRAVO‼️LET WOMEN DO IT‼️LET LENI,& ALL

WOMEN FIGHTING 2 SAVE CLIMATE,CHILDREN, ELDERLY,POOR,HOMELESS,SICK,PPL OF ALL COLORS,ETHNICITIES, LGBTQ.FORCE HONOR IN GOV.MAKE MEDICAL CARE,EDUCATION,

CHILDCARE FREE. TAX CORPORATION,STOP CHILD LABOR.ANIMAL CRUELTY,ETC,” pahayag ng iconic singer na sinundan ng hashtag #2GETHERWERSTRONG. 

 

 

Si Cher ang umawit ng timeless classics na “If I Could Turn Back Time”, “After All” at ang “Believe”. Isa rin sa maituturing na gay icon si Cher dahil sa kaniyang performance style.