• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakuhanan ng mga litrato sina Liza Soberano at Nadine Lustre na magkasama.

TINGNAN: Liza Soberano at Nadine Lustre, spotted na magkasama

Nakuhanan ng mga litrato sina Liza Soberano at Nadine Lustre na magkasama.

TINGNAN: Liza Soberano at Nadine Lustre, spotted na magkasama-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/15/2022 01:04 PM
TINGNAN: Liza Soberano at Nadine Lustre, spotted na magkasama
Photo credits to @tellemstyles on Instagram

Maraming fans nina Liza Soberano at Nadine Lustre ang nagdiwang matapos kumalat ang mga litrato ng dalawa sa social media habang magkasama. 

Ang mga nasabing litrato ay unang ibinahagi ni Nico Sabenorio Pagadora sa Facebook.  


“Yan sila oh walang kasamang [bodyguard] dalawa lang talaga sila as in,” ani Nico. 

Hindi naman makapaniwala ang ibang fans na sa wakas ay natupad na ang kanilang pangarap na makita ang dalawa na magkasama. 

“I can’t believe we’re living in a world where Liza Soberano and Nadine Lustre are just casually hanging out together. My LizDine heart,” ani ng isang fan na may Twitter user na @hopppeeeeeee. 

Noon pa man, maraming fans na ang gustong makita ang dalawang Kapamilya stars sa labas habang nag-bobonding. 

Sa kagustuhan pa ng ilan na makita ang dalawa sa isang proyekto, may nabuo pang #LizDine tandem para sa dalawa. 

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung umalis lamang ang dalawa bilang magkaibigan o kung may ginagawa itong proyekto. 

Gayumpaman, may ilan pa ring umaasa na magkasama ang dalawa sa isang proyekto. 

Bagama’t nagkaroon na ng pagkakataon na magkasama ang dalawa sa harap ng camera gaya ng ABS-CBN Station ID at ASAP Natin ‘To, hindi pa sila nabigyan ng isang malaking proyekto. 

Nadine Lustre collaborates with Liza Soberano and Yassi Pressman for mental health awareness

Noong nakarang taon, inilunsad naman nina Liza at Nadine ang “Mind You” kasama si Yassi Pressman. 

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, may madaling nalalapitan ang mga nangangailangan ng tulong na may kaugnayan sa mental health.