• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Miriam Quiambao at ang kanyang pamilya sa bagong buhay nila sa Boracay.

Miriam Quiambao, nagdesisyong lumipat sa Boracay upang doon manirahan

Masaya si Miriam Quiambao at ang kanyang pamilya sa bagong buhay nila sa Boracay.

Miriam Quiambao, nagdesisyong lumipat sa Boracay upang doon manirahan -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/15/2022 04:52 PM
Miriam Quiambao, nagdesisyong lumipat sa Boracay upang doon manirahan
Photo credits to @miriamq888 on Instagram

Ibinahagi ni Miriam Quiambao na lumipat na sila ng kanyang pamilya sa isla ng Boracay hindi para magbakasyon kundi para manirahan at magsimula ng bagong buhay. 

Kilala si Miriam bilang first runner-up ng Miss Universe noong taong 1999. 


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Miriam na sa Boracay na sila maninirahan ng kanyang pamilya. 

"Finally, all 7 of us took the journey on a plane, a shuttle, a boat, and a van to our new home," ani Miriam sa kanyang Instagram post. 

Bagama’t nakaramdam ng stress at iba’t-ibang pagsubok nitong mga nakaraang linggo, hindi naman umano matatawaran ang kanyang naramdaman nang makita niyang masaya ang kanyang mga anak sa bago nilang buhay. 

"At the end of the day, staring at the Boracay sunset and witnessing how the kids are enjoying their new life on the island makes all the stress and struggles of the past weeks worth it,” ani Mariam. 

Inaasahan naman ni Miriam na magiging maganda ang kanilang pananatili sa isla. 

"Believing that the Lord has a great and wonderful purpose for us here, we look forward to living the island life for the rest of the year," saad niya.

Miriam Quiambao reveals struggles with breastfeeding

Sa isa namang Instagram post, ibinahagi ni Miram ang mga bagay na ikinatutuwa ng kanyang mga anak habang nandoon. 

"Elijah discovered that sand melts from his hand when it’s in the water and experienced his feet being buried in the sand. He tried to scoop some sand with a leaf, while Baby Ziki marinated his feet in the sand," aniya. 

Ani pa ni Miriam: “These sensorial experiences not only help them with brain development but in this way, they also develop a love for nature. These activities introduce them to science (liquid and solids), geography (land vs the sea) and exposure to the sun & negative ions helps to boost immunity.”