• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ni McCoy de Leon para sa kanyang nag-iisang anak na si Felize McKenzie sa Araw ng mga Puso, Lunes, Pebrero 14.

McCoy de Leon, may mensahe para sa anak sa Valentine's Day

Isang mensahe ang ibinahagi ni McCoy de Leon para sa kanyang nag-iisang anak na si Felize McKenzie sa Araw ng mga Puso, Lunes, Pebrero 14.

McCoy de Leon, may mensahe para sa anak sa Valentine's Day -Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/15/2022 03:20 PM
McCoy de Leon, may mensahe para sa anak sa Valentine's Day
Photo credits to @mccoydeleon on Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ni McCoy de Leon para sa kanyang nag-iisang anak na si Felize McKenzie sa Araw ng mga Puso, Lunes, Pebrero 14.
 
Sa kanyang post sa Instagram, iginiit ng aktor ang pagmamahal sa anak at nangakong palagi siyang nandyan para kay Felize.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

"Unang una para sa aking anak na napakaganda at mabait, salamat sa ‘yo sa walang hanggang pagpapasaya sa akin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung dumating ka sa buhay ko. Laging nandito si daddy para sa ‘yo ha. Sleep ka lang diyan para lumaki at maging healthy ka. Pagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting bata," aniya.


"Sa pinakabatang babaeng importante sa buhay ko, Happy Valentine's Day from Daddy. I love you Felize."

Bukod kay Felize, may nakakakilig ding mensahe si McCoy para sa aktres at kanyang partner na si Elisse Joson. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

"To my partner Elisse ko, I always want all the best for you," ani McCoy.

"DALAWA na tayo palagi humaharap sa mga pagsubok. Ang partner ko sa lahat ng bagay. Salamat sa lahat lahat ng masayang samahan natin. Tuwing malulungkot ka nandito ako palaging i-aangat ka. Mahal kita mahal ko, lahat ng meron sa ‘yo basta alam mo na yun hehe. Happy Valentine's Day, Elisse ko. I love you!"

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang ginulat nina McCoy at Elisse ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang anak.

Sa kanyang dating post, sinabi ni McCoy na walang mapaglagyan ang kanyang saya ngayong isa na siyang ama.

McCoy de Leon, may mensahe para sa kanyang mag-ina

Nangako rin siya na mamahalin at poprotektahan niya ang kanyang anak habang siya ay nabubuhay. 

"Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hangga't buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo," aniya.