• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang inanunsyo ng komedyanteng si Kitkat na siya ay buntis sa unang anak nila ng asawang si Walby Favia.

Komedyanteng si Kitkat, buntis sa unang anak

Masayang inanunsyo ng komedyanteng si Kitkat na siya ay buntis sa unang anak nila ng asawang si Walby Favia.

Komedyanteng si Kitkat, buntis sa unang anak-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/15/2022 10:49 AM
Komedyanteng si Kitkat, buntis sa unang anak
Photo credits to @favkitkat on Instagram

Masayang inanunsyo ng komedyanteng si Kitkat na siya ay buntis sa unang anak nila ng asawang si Walby Favia.

Kinumpirma ng aktres ang kanyang pagbubuntis sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Pebrero 14.

"HAPPY VALENTINE’S DAY EVERYONE!!!! ... We just want to share with all of you our greatest happiness and blessing. YES!!! WE ARE PREGNANT!" ani Kitkat.


Ayon kay Kitkat, Nobyembre noong nakaraang pa taon nang makumpirma nila ng kanyang mister ang kanyang pagbubuntis.

"O ha, walang nakapansin ano. I've been pregnant since November and super blessing talaga at 'di kami maselan ni baby… Siguro nagtataka lang kayo bakit lagi maluwag ang mga damit ko sa mga TV appearances ko at lagi naka-rubber shoes. Hehe!" aniya.

Pagpatuloy pa ng komedyana, lubos silang nagpapasalamat ng kanyang asawa sa panibagong biyayang ito na ibinigay sa kanila ng Diyos.

"Minu-minuto nagpapasalamat kami kay Papa God sa napakalaki at life-changing blessing na ito… Pati milagro at ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma, at kung ano ano pa ay 'di ko talaga nararamdaman simula ng nagbuntis ako! We praise and love and trust YOU PAPA GOD! Maraming salamat po talaga! 'Yun lang! HAPPY (indeed) VALENTINE’S talaga," aniya.

Mensahe ni Kitkat sa kanyang mga tagahanga: "BE HAPPY AND KIND ALWAYS… Ang bawat blessing ay may timing… God is really faithful. Perfect timing always!"

Kitkat, nagsalita na sa issue nila ni Janno Gibbs: ‘Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari’

Samantala, sa hiwalay na post ay nagbahagi rin ng ultrasound video si Kitkat kung saan makikita ang kanyang baby.

Sa caption nito ay ang kanyang mensahe para sa kanyang magiging anak.

"I look forward to our quiet nights alone.
I look forward to your mini fingers and toes.
I look forward to your blinking eyes.
I look forward to all the ways you will be just like your Daddy Walby.
But I especially look forward to learning about all the things that make you uniquely YOU. We love you baby. We can't wait to see you," aniya.

Matatandaan na taong 2014 nang ibinunyag ni Kitkat na kasal na siya kay Walby, na kapatid ng celebrity chef na si Jeremy Favia.

Ayon sa aktres, kababata niya si Walby at noon pa lamang ay may crush na siya rito.