• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud na ipinakilala ni Beatrice Luigi Gomez ang kaniyang Valentine date.

Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon

Proud na ipinakilala ni Beatrice Luigi Gomez ang kaniyang Valentine date.

Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/15/2022 07:15 PM
Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon
Photo credit to @beatriceluigigmz Instagram

Kasabay ng nagdaang Valentine’s Day, ipinakilala na ni 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez ang kaniyang bagong inspirasyon.

Sa pamamagitan ng isang meaningful Instagram post nitong February 14, ibinahagi ng Cebuana beauty ang tila nagpapatibok ngayon sa kaniyang puso na si John Odin.

Simpleng caption na “Valentine’s Day” na sinundan ng black emoji heart lamang ang ibinahaging detalye ng reigning Miss Universe Philippines.

Bukod sa Instagram post, ilang litrato rin sa Instagram story ang ibinahagi ni Beatrice sa naging dinner date kasama ang kaniyang special someone. 

Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon, John Odin

Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon, John Odin

Beatrice Luigi Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon, John Odin

Photo Courtesy @beatriceluigigmz Instagram Story

Si Odin ay isang independent music artist at DJ at bahagi ng international global music movement na 3LEMENTS. 

Beatrice Gomez, ipinakilala ang bagong inpirasyon John Odin

Isang proud bisexual ang current Miss Universe Philippines.

Matatandaan na kasabay ng kaniyang pagkapanalo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe, nakilala ng netizens ang kaniyang girlfriend noon na si Kate Jagdon. 

RELATED ARTICLE: Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez, DJ girlfriend breakup

Hindi man naging happy ang ending ng relasyon ni Bea at Kate, masaya naman ang netizens sa bagong journey ng love life ngayon ng Cebuana beauty.