• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdiriwang nitong Lunes, Pebrero 14, ng kanyang ika-51 na kaarawan ang dating aktres at host na si Kris Aquino.

Kris Aquino, hiling ang dasal ng fans para sa kanyang kaarawan

Nagdiriwang nitong Lunes, Pebrero 14, ng kanyang ika-51 na kaarawan ang dating aktres at host na si Kris Aquino.

Kris Aquino, hiling ang dasal ng fans para sa kanyang kaarawan-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/14/2022 10:13 AM
Kris Aquino, hiling ang dasal ng fans para sa kanyang kaarawan
Photo credits to @krisaquino on Instagram

May hiling ang dating aktres at host na si Kris Aquino sa kanyang mga tagahanga at tagasunod ngayong kaarawan niya.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, Pebrero 14, nakiusap ang tinaguriang "Queen of All Media" na sa halip padalhan siya ng pagkain at regalo ay ipagdasal na lamang siya ng mga ito. 

"Thank you for being so kind and generous to me. BUT super okay lang, as much as I appreciate the balloons, flowers, cakes, the fruits, the food I'm receiving, your PRAYERS are what we really want and need," ani Kris, na nagdiriwang ng kanyang ika-51 na kaarawan.


(Salamat sa pagiging mabait at mapagbigay ninyo sa akin. Lubos man akong nagpapasalamat sa balloons, bulaklak, cake, prutas at pagkain na natatanggap ko, ang iyong mga panalangin ang talagang gusto at kailangan namin.)

Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa gitna ng sakit, hiwalayan

Ayon kay Kris, ito ang pinakamagandang regalo na matatanggap niya mula sa kanyang mga tagahanga sa kanyang espesyal na araw.

"PLEASE DON'T spend more money on me. NAKAKAHIYA, and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos. Alam ko how much food costs have gone up plus ang MAHAL ng flowers kasi nga Valentine Season," aniya.

"PLEASE, unahin niyong regaluhan ang iba. Please choose who really needs your financial support now," dagdag niya.

(Pakiusap, huwag na kayong gumastos ng mas maraming pera sa akin. Nakakahiya, at pakiramdam ko ay insensitive ako sa pangangailangan ng ating kapwa Pilipino. Alam ko kung gaano kamahal ang pagkain at bulaklak ngayong Valentine Season.

Pakiusap, unahin niyong regaluhan ang iba. Piliin niyo kung sino talaga ang nangangailangan ng tulong niyo ngayon.)

Kris Aquino, umalma sa fake news na may taning na ang buhay niya

Samantala, nakiusap din ang dating aktres sa kanyang mga tagasunod na bukod sa kanya ay ipagdasal din nila ang isang taong lubos niyang minamahal at ng kanyang namayapang kapatid na si Noynoy Aquino.

"My true birthday wish? Please pray for someone both Noy and I LOVE so early. Because I want to protect the person's privacy, ang hirap magbigay ng detalye," ani Kris.

"All my prayers now, hindi para sa 'kin, and I'm asking you to do the same—na siya muna ang ipagdasal niyo. PLEASE REALIZE HOW MUCH THIS MATTERS TO ME."

(Ang totoong hiling ko? Ipagdasal ninyo ang taong lubos naming minamahal ng aking kapatid na si Noy. Ang hirap magbigay ng detalye dahil gusto kong protektahan ang kanyang privacy.

Lahat ng dasal ko ngayon, hindi para sa akin, at ito rin ang nais ko mula sa inyo, na siya muna ang ipagdasal ninyo. Sana ay malaman niyo kung gaano ito ka-importante sa akin.)

Sa huli ay nagpasalamat si Kris sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta dahil sigurado umano siyang pagbibigyan ng mga ito ang kanyang mga hiling. 

"No questions please about my birthday request, and I said PLEASE RESPECT THE PERSON'S PRIVACY, ibalato niyo na sa akin. I ONLY WANTED THINGS TO BE FAIR, NA EVERYONE PRAYING FOR ME IPAGDASAL DIN SIYA," dagdag pa niya.

(Pakiusap, walang magtatanong tungkol sa aking birthday request. Respetuhin ang privacy ng taong tinutukoy ko. Ibalato niyo na ito sa akin. Gusto ko lang maging fair ang lahat, na lahat ng nagdadasal para sa akin ay ipagdasal din siya.)

Basahin ang buong post ni Kris dito:

Nitong mga nakaraang linggo ay madalas na laman ng balita si Kris dahil sa kanyang pinagdadaanang sakit at sa hiwalayan nila ng kanyang dating fiancé na si Mel Senen Sarmiento. 

Bagamat aminadong hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan at puso, sinabi noon ni Kris na nananatili siyang matatag para sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. Aniya, para sa kanyang dalawang pinakamamahal ay hindi siya susuko at patuloy siyang lalaban.