• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Ice Seguerra para sa kanyang namayapang ama sa kaarawan nito.

Ice Seguerra, inalala ang namayapang ama sa kaarawan nito

Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Ice Seguerra para sa kanyang namayapang ama sa kaarawan nito.

Ice Seguerra, inalala ang namayapang ama sa kaarawan nito-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/14/2022 02:31 PM
Ice Seguerra, inalala ang namayapang ama sa kaarawan nito
Photo credits to @iceseguerra on Instagram

Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Ice Seguerra para sa kanyang namayapang ama sa kaarawan nito.

Sa Instagram nitong Lunes, Pebrero 14, nagbahagi ng retrato ang singer kasama ang urn at larawan ng kanyang amang si Dick Seguerra.

"Pangalawang birthday mo na hindi ka namin kasama. Kumusta ka na diyan, Pogi? I'm sure ok ka. Happy and at peace. Miss ka namin dito, 'lam mo ba yun? May isang taon mahigit na rin ang nakakalipas pero hinahanap ka pa rin namin," aniya.

"Miss ko 'yung boses mo pag kumakanta sa bidyoke, 'yung mga patawa mo na minsan hindi nakakatawa pero sa sobrang corny matatawa na rin kami," sabi pa niya.

Pagpatuloy ni Ice, parating nasa puso at isipan niya ang kanyang yumaong ama. 

"I really hope you're in a better place, 'yung wala ng pain at kalungkutan. Sarap siguro diyan," aniya.

"Happy birthday, my orig valentino. I miss and I love you so much!"

Matatandaan na Nobyembre noong 2020 nang yumao ang ama ni Ice dahil sa sakit na prostate cancer.

Ama ni Ice Seguerra, pumanaw na

Sa kabila ng pagsubok na dala ng karamdaman at pagkamatay ng kanyang ama, sinabi noon ni Ice na naging daan ito upang maging mas malapit at mas matatag sila bilang isang pamilya.