• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Francine Diaz, hindi na maiiwasan kung may masasabi ang ibang tao tungkol sa kanya lalo pa't artista siya.

Francine Diaz, natutunan nang hindi magpaapekto sa bashers

Ayon kay Francine Diaz, hindi na maiiwasan kung may masasabi ang ibang tao tungkol sa kanya lalo pa't artista siya.

Francine Diaz, natutunan nang hindi magpaapekto sa bashers-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/14/2022 02:25 PM
Francine Diaz, natutunan nang hindi magpaapekto sa bashers
Photo credits to @francinesdiaz on Instagram

Sa ilang taong pananatili niya sa showbiz ay natutunan na umano ni Francine Diaz na hindi na magpaapekto sa kanyang mga basher.

Sa pinakabagong episode ng PUSH Bets Live, sinabi ng aktres na hindi naman maiiwasan kung may masabi ang ibang tao tungkol sa kanya lalo pa't artista siya.

"Kahit anong gawin mo or kahit wala kang gawin, may masasabi't masasabi sila sa 'yo. And para po sa akin, importante rin talagang ma-master mo hindi naman deadma totally, pero i-ignore 'yung negativity," ani Francine.


Patuloy pa niya: "Kasi for me, sa lahat naman ng bashing nila, may good and may bad na nangyayari kasi meron din akong lessons na natutunan from them, sa mga bashers ko. Bad lang kasi pinipili nilang maging nega. Tapos you know, pandemic, imbis na inspiration 'yung binibigay and happiness, 'yun po."

Matatandaang naging laman ng balita kamakailan si Francine matapos na mapansin ng fans ang tila pag-unfollow nila ni Andrea Brillantes sa isa't isa sa photo-sharing platform na Instagram.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang ilang retrato kung saan kasama ni Francine si Seth Fedelin—na love team partner ni Andrea—at ang pamilya nito.

Ang tatlo ay miyembro ng sikat na grupong The Gold Squad kasama rin ang aktor at Pinoy Big Brother housemate na si Kyle Echarri.

Nagmula ang grupo sa sikat na palabas na Kadenang Ginto na ipinalabas noong 2018. Noong 2021, muling nagsama sama ang apat sa primetime series na Huwag Kang Mangamba.

Ogie Diaz, ibinunyag na sinugod umano ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa dressing room

Samantala, sa parehas na panayam ay ibinahagi rin ni Francine kung ano ang bagay na pinaka-nilu-look forward niya ngayong 18 years old na siya.

"Baka mag-start na po ako February or March ng driving lessons," ani Francine, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Enero 27. "Hindi pa kasi ako pwede mag-travel ng solo eh, so 'yun po, 'yung pagda-drive talaga."

Nang matanong naman kung ano ang kanyang birthday wish, simple ang naging sagot ng aktres.

"Birthday wish ko, healthy na pangangatawan po talaga," aniya. 

Kyle Echarri greets Francine Diaz on her birthday

Bukod dito ay natanong din si Francine tungkol sa kanyang pananaw sa pagiging independent. 

"Independent for me po, hindi naman kailangan parati na mag-isa ka lang. 'Yun bang kaya mo 'yung sarili mo sa mga mahihirap na moments sa buhay mo na hindi mo kailangan parati ng maiiyakan. Basta kaya mong i-handle 'yung bigat ng buhay mo nang hindi mo kailangan ipasa sa ibang tao," aniya.

"And independent, mas maging mature and hindi lang sarili 'yung iniisip, mas more on sa mga taong nakapaligid sa 'yo."

Nakatakdang bumida si Francine sa iWantTFC Original na Bola Bola. Kasama niya sa palabas sina Albie Casiño at Akira Morishita. Ipapalabas ito ngayong 2022.