Vice Ganda at Ion Perez, ikinasal sa Las Vegas

Ikinasal na sina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas.

Vice Ganda at Ion Perez, ikinasal sa Las Vegas-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/13/2022 08:12 PM
Vice Ganda at Ion Perez, ikinasal sa Las Vegas
Photos from Vice Ganda's YouTube video

Marami ang nagulantang nang i-anunsyo ni Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang vlog na kasal na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Ion Perez. 

Sa isang vlog na may pamagat na “What Really Happened in Las Vegas,” ipinasilip ni Vice ang mga naging kaganapan sa kasalan kabilang na ang kanilang mga naging preparasyon bago ang big event.  

READ: Are Vice Ganda and Ion Perez now married? Comedian sets the record straight


Matatandaang bumiyahe sina Vice at Ion noong nakaraang taon papuntang Amerika. Ika-19 ng Oktubre nang maganap ang kasalan.

Kinasal ang dalawa sa Little Vegas Chapel. Ligal ang pagpapakasal para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Estados Unidos. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Sa dulo ng video, nagbigay ng mensahe ang mga tagahanga ng dalawa.

Proud naman na ibinida ni Vice ang kanilang certificate of commitment sa kanyang vlog.

May 2018 nang unang magtagpo ang mga landas nina Vice at Ion sa programa niyang Gandang Gabi Vice.

Setyembre ng parehong taon naman nang ipakilala si Ion bilang Kuya Escort sa programang It’s Showtime.

Samantala, Oktubre naman ng taong 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.