• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Michelle Madrigal ay isa nang ganap na ‘American girl’.

PANOORIN: Michelle Madrigal, naging emosyonal matapos makuha ang kanyang US citizenship

Si Michelle Madrigal ay isa nang ganap na ‘American girl’.

PANOORIN: Michelle Madrigal, naging emosyonal matapos makuha ang kanyang US citizenship-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/13/2022 05:45 PM
PANOORIN: Michelle Madrigal, naging emosyonal matapos makuha ang kanyang US citizenship
Photo credits: @mitch_madrigal on Instagram and Michelle Madrigal on YouTube

Hindi napigilan ng aktres na si Michelle Madrigal ang maging emosyonal matapos manumpa bilang isang US citizen.

Matatandaang limang taon na ang nakalilipas mula nang magdesisyon si Michelle na lisanin ang Pilipinas at tuluyan nang manirahan sa Estados Unidos.

READ: Did you know? Michelle Madrigal met her husband on Tinder


Sa isang Instagram post nitong Sabado, ika-12 ng Pebrero, masayang ibinahagi ni Michelle ang panibagong yugto sa kanyang buhay. 

Dito, proud na ipinakita ni Michelle ang kanyang naturalization certificate sa harap mismo ng US Citizenship and Immigration Services habang hawak ang bandila ng Estados Unidos. 

Samantala, ibinahagi naman ni Michelle sa kanyang vlog ang kanyang naging karanasan mula sa interview hanggang sa mga sandali bago ang kanyang panunumpa. 

Pag-amin ni Michelle, hindi niya napigilang emosyonal dahil sa nangyari sa kanya. 

Ani pa Michelle, gusto niyang ipagdiwang ito kasama ang kanyang pamilya lalo pa’t maraming nangyayari ngayon sa kanyang buhay kabilang na ang divorce nila ng kanyang dating asawa na si Troy Woolfolk. 

READ: Michelle Madrigal reveals going through a divorce: ‘We will always have love for each other’

Matatandaang ikinasal sila noong taong 2019 at inanunsyo naman ang kanilang paghihiwalay noong 2021. Taong 2017 nang isilang niya ang kanyang anak na si Anika. 

“With the whole thing going on like with my divorce and everything, ‘pag may malalaking bagay na nangyayari, all you want is to be surrounded with your family,” aniya. 

“Ang bilis no’ng pangyayari. Just looking back, I realized na parang five or six years na ako dito sa States,” dagdag pa niya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Nakilala si Michelle sa kanyang pagsali sa reality search na Star Circle Quest kung saan isa siya sa mga finalists nito noong taong 2004. Lumabas din ito sa iba’t-ibang programa ng Kapamilya network sa loob ng mahigit isa at kalahating dekada. 

Huling proyektong ginawa nito ang FPJ’s Ang Probinsyano lung saan ginampanan niya ang karakter ni SPO3 Sunshine Monteloyola.