May clapback ang aktres na si Angelica Panganiban sa isang basher na tinawag siyang “starlet.”
Ito ay matapos ibahagi ni Andoy Ranay ang pinakabagong video na inalabas ng Young Public Servants kung saan pinapaalalahanan niya ang mga tao na maging mapagmatiyag sa mga “mambubudol.”
WATCH: Angelica Panganiban | PUSH Evolution
Ani ng nasabing basher na may Twitter user na @SunWiLd01, isang “starlet” umano ang Kapamilya star na mahilig mag-ingay.
“Isang starlet Nanaman po Ang nag iingay @angelica_114,” saad ng basher.
Hindi naman pinalampas ni Angelica ang pagkakataong sagutin ang basher na ito. Nagpasalamat pa siya sa ginawang pagpansin sa kanya ng basher.
“Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin,” ani Angge.
Dinpensahan naman si Angelica ng mga netizens.
“Haha.. May gana pa talagang mag tag..Idol ka ata kasi gusto niya mapansin siya,” saad ng isang netizen.
“Pakisampal ng mga awards mo yan, girl. Makastarlet naman siya. Malamang shonget yan na walang ambag sa lipunan,” ani naman ng isa pang netizen.
Samantala, tila dinelete ng nasabing basher ang kanyang tweet pagkatapos umani ng reaksiyon mula sa ibang netizens.
Isa si Angelica sa itinuturing na pinakasikat na artista sa bansa. Nagsimula ang kanyang karera bilang isang child star kung saan nakatanggap siya ng iba’t-ibang nominasyon at parangal sa murang edad.
READ: Angelica Panganiban lashes out against basher pitting her against Bea Alonzo
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, lumabas si Angelica sa iba’t-ibang serye at pelikula na tinangkilik ng mga manonood at pumalo sa takilya.
Ilan sa kanyang di malilimutang teleserye ang Vietnam Rose, Rubi, Walang Hanggang Paalam, at ang remake ng Pangako Sa’Yo.
Samantala, pinilahan naman ang mga pelikula niya gaya ng Exes Baggage, Every Breath U Take, One More Try, I Love You Goodbye, at That Thing Called Tadhana.