• Home
  • Fresh Scoops
  • How sweet! Narito ang ilang celebrity married couples na nag-renew ng kanilang wedding vows.

Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 2 | Pushpins

How sweet! Narito ang ilang celebrity married couples na nag-renew ng kanilang wedding vows.

Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 2 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/13/2022 08:00 AM
Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 2 | Pushpins
Photo credit to @danicaspingris, @dougkramer, @tirsocruziii, @iamgladysreyes and @amyaustria_ventura Instagram

Ika nga sa wedding ceremony, "for better and for worse," kaya naman maswerte ang mga couples na magkasamang nalalampasan ang mga ups and downs sa buhay.  

Gaya na lamang ng mga celebrity couples na nagrenew ng kanilang wedding vows para iparamdam sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan kahit ilang taon na silang magkasama.    

Sinu-sino sila?      


Let's find out.      

 

1. Tirso Cruz III and Lynn Ynchausti 

Ipinagdiwang ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti ang kanilang 35th wedding anniversary noong 2016 sa pamamagitan ng pagkakaroon ng renewal of vows. 

1981 pa lamang ay kasal na sina Tirso at Lynn sa isa't isa. 

Ginanap ang kanilang renewal of vows sa isang simbahan sa Cana of Galilee sa Israel. 

Nagpunta rin sa Jordan River sa Israel ang pamilya ni Tirso para sa reaffirmation ng kanilang commitment of faith. 

 

2. Cheska Garcia and Doug Kramer 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Sinorpresa ni Cheska Garcia ang asawang si Doug Kramer ng renewal of vows noong October 2019.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng kanilang ika-sampung anibersaryo bilang mag-asawa. 

Kasama sa selebrasyon ang kanilang malalapit na kaibigan at tatlong anak na sina Kendra, Scarlet, at Gavin. 

Taong 2008 ng nagpalitang ng “I do” sina Cheska at Doug. 

 

3. Danica Sotto and Mark Pingris 

Nagpalitan ng renewal of vows ang mag-asawang sina Danica Sotto at Mark Pingris noong March 2017. 

Ipinagdiwang nila ito sa Tagaytay kasabay ng kanilang 10th year wedding anniversary. 

Dumalo rin ang mga magulang at pamilya ng mag-asawa gaya nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. 

May dalawa ng anak sina Mark at Danica, isang babae na si Anielle Micaela at lalaking anak na si Jean Michael. 

 

4. Amy Austria and Duke Ventura 

Nagkaroon ng renewal of vows sina Amy Austria at asawa nitong si Duke Ventura noong March 2019. 

Ito ang naging paraan nila para ipagdiwang ang kanilang 20th wedding anniversary at kaarawan ni Duke. 

Ginanap ang renewal of vows ceremony sa isang intimate cruise sa Manila Bay. 

Ikinasal sina Amy at Duke noong 1999, at ngayong 2022 ay ipagdiriwang nila ang kanilang 23rd wedding anniversary. 

 

5. Gladys Reyes and Christopher Roxas 

January 2018 ng magkaroon ng renewal of wedding vows sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. 

Ito ay para ipagdiwang ang pagsasama nila sa loob ng 25 years. Ito ay 11 years bilang magkasintahan, at 14 years naman bilang mag-asawa. 

Ginanap ang kanilang renewal of vows sa Tagaytay na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. 

Taong 2004 nang ikinasal ang dalawa, at ngayon ay may apat ng anak na sina Gian, Gianna, Grant, at Gavin. 

Ngayong 2022, ay ibinahagi ni Gladys sa kanyang Instagram ang sweet message para sa kanilang 29th year of being together ni Christopher. 

Panoorin ang mga happy moments ng couples na nabanggit sa Pushpins episode na ito.  

Sino sa mga couples sa industriya ang sa tingin niyo ay susunod na magkakaroon ng renewal of vows?