• Home
  • Fresh Scoops
  • How sweet! Narito ang ilang celebrity married couples na nag-renew ng kanilang wedding vows.

Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 1 | Pushpins

How sweet! Narito ang ilang celebrity married couples na nag-renew ng kanilang wedding vows.

Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

02/12/2022 04:11 PM
Showbiz couples who renewed their wedding vows Part 1 | Pushpins
Photo credit to @sandy_andolong, @officialjuday, @iamsuperbianca and @mrandmrsfrancisco Instagram

Ika nga sa wedding ceremony, "for better and for worse," kaya naman maswerte ang mga couples na magkasamang nalalampasan ang mga ups and downs sa buhay. 

Gaya na lamang ng mga celebrity couples na nagrenew ng kanilang wedding vows para iparamdam sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan kahit ilang taon na silang magkasama.  

Sinu-sino sila?


Let's find out.  

   

1. Bianca Gonzales and JC Intal 

Nagkaroon ng renewal of vows ang mag-asawang sina Bianca Gonzales at JC Intal noong December 4, 2019. 

Ito ay limang taon matapos silang ikasal sa unang pagkakataon noong December 4, 2014 sa isang beach wedding. 

READ: Bianca Gonzalez, JC Intal celebrate fifth anniversary with renewal of vows

Isang intimate ceremony ang naganap na renewal of vows sa kanilang bahay kasama ang kanilang dalawang anak na sina Lucia at Carmen. 

Ayon pa kay Bianca, ang renewal vows nila ay "more rooted and real" kaysa sa idealistic wedding vows nila noon. 

2. Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo 

Pitong taon makalipas ikasal sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay nagkaroon sila ng renewal of vows noong April 2016. 

Ginanap ang kanilang renewal of vows sa isang beach ceremony sa Batangas. 

Kasama sa seremonya ang mga kaibigan at pamilya nina Judy Ann at Ryan. Naroon din ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. 

Sa kasalukuyan ay labindalawang taon nang kasal sina Ryan at Judy Ann. 

3. Christopher De Leon and Sandy Andolong 

Ipinagdiwang ng mag-asawang Christopher De Leon at Sandy Andolong ang kanilang 39 years ng pagsasama sa pamamagitan ng pagkakaroon ng renewal of vows. 

February 2019 ng nagrenew ng wedding vows sina Christopher at Sandy na ginanap sa isang romantic cruise sa Vietnam. 

Ikinasal sina Christopher at Sandy taong 2001, ngunit 1980 pa lang ay magkarelasyon na ang dalawa. 

Sa kanilang wedding vows ay hindi napigilan maging emosyonal ng dalawa habang ibinabahagi ang mga pinagdaanan nila sa nakalipas ng halos apat na dekada. 

4. Melai Cantiveros and Jason Francisco 

Ipinagdiwang nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang ika-pitong wedding anniversary nila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng renewal of vows. 

Naganap ang kanilang renewal of vows sa Magandang Buhay noong December 9, 2020. 

Naging viral din ang vows ni Melai dahil sa pagsama niya ng ilang lyrics sa mga kanta ng Blackpink at BTS. 

Mayroon ng dalawang anak sina Melai at Jason na sina Amelia Lucille at Stela Rosalind. 

 

Panoorin ang mga happy moments ng couples na nabanggit sa Pushpins episode na ito.  

Sino sa mga couples sa industriya ang sa tingin niyo ay susunod na magkakaroon ng renewal of vows?