• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Regine Velasquez ang makipag-maritesan kay Kyle Echarri.

TINGNAN: Regine Velasquez, muli na namang naging ‘Marites’; naki-chika kay Kyle Echarri

Hindi napigilan ni Regine Velasquez ang makipag-maritesan kay Kyle Echarri.

 TINGNAN: Regine Velasquez, muli na namang naging ‘Marites’; naki-chika kay Kyle Echarri -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/10/2022 08:57 AM
 TINGNAN: Regine Velasquez, muli na namang naging ‘Marites’; naki-chika kay Kyle Echarri
Photo credits to @reginevalcasid on Instagram

Hindi naitago ni Regine Velasquez ang kanyang pagiging Marites base sa pinakabagong nitong post kasama si Kyle Echarri. 

Matapos ang kanyang post kung saan pinandigan niya ang kanyang pagiging marites nang maki-chismis siya kay Francine Diaz sa kalagitnaan ng isyu nito kay kay Andrea Brillantes, sunod naman nitong “kinausap” si Kyle Echarri.  

Matatandaang nag-viral kamakailan ang i-pinost ni Kyle na litrato kasama sina Andrea Brillantes at Darren Espanto. 


Regine Velasquez, ‘pinanindigan’ ang pagiging Marites

Sa nasabing litrato, makikitang bumubulong si Regine kay Kyle at tila may tinanong ito sa kanya. 

“Sa isang banda, yung hindi mo na rin maitago yung pagka Marites mo,” ani Regine sa caption ng kanyang post na may hashtag na #maritesinaction. 

Sagot naman ni Kyle: “To be continued na lang po Ate.” 

Maraming netizens naman ang natuwa sa post ni Regine. “Sa lahat ng Marites ikaw po talaga ang peyborit ko, for all generation ang aksyon,” komento ng netizen na si janielleshaneeee. 

Samantala, hindi pa rin nagsasalita si Kyle kaugnay sa nasabing isyu na naging usap-usapan ng mga netizens nitong mga naraang araw. 

Bagama’t binura agad ni Kyle ang nasabing post, may ilang netizens na nakapag-screenshot nito.