• Home
  • Fresh Scoops
  • Magsasama sina KZ Tandingan at Piolo Pascual sa kantang ‘Tawag Mo.’

KZ Tandingan, tampok sa bagong single ni Piolo Pascual

Magsasama sina KZ Tandingan at Piolo Pascual sa kantang ‘Tawag Mo.’

KZ Tandingan, tampok sa bagong single ni Piolo Pascual-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/10/2022 05:42 PM
KZ Tandingan, tampok sa bagong single ni Piolo Pascual
Photo credit to @cornerstone Instagram

Muling nagbabalik si Piolo Pascual sa paggawa ng kanta — at tampok sa kanyang unang awitin sa loob ng halos dalawang taon ang nag-iisang KZ Tandingan. 

Kinumpirma ng Cornerstone Entertainment ang pagsasanib-pwersa nina Piolo at KZ sa isang Instagram post nitong Huwebes, ika-10 ng Pebrero. 


Ayon sa talent management agency, mapapakinggan ang bagong awitin ni Piolo na “Tawag Mo” sa mga streaming platforms gaya ng Spotify at Apple Music sa Biyernes, ika-11 ng Pebrero.

Samantala, muli namang mapapanood si Piolo sa telebisyon simula Marso sa sitcom na My Papa Pi.

Ito ang kauna-unahan niyang proyekto sa ABS-CBN mula nang pumirma muli ito ng kontrata sa network. 

Mapapanood din ito sa local remake ng Flower of Evil na pagbibidahan nila ng aktres na si Lovi Poe.

Huling naglabas ng kanta si Piolo Oktubre noong taong 2020 sa pamamagitan ng awitin na “Iiyak sa Ulan.” 

READ: Piolo Pascual receives heartwarming messages on his birthday

Ipinagdiwang ni Piolo ang kanyang ika-45 na kaarawan noong ika-12 ng Enero.