• Home
  • Fresh Scoops
  • Natanggal nga ba si Barbie Imperial sa ‘It’s Showtime’ dahil hindi ito marunong sumayaw?

Barbie Imperial natanggal sa GirlTrends dahil hindi marunong sumayaw?

Natanggal nga ba si Barbie Imperial sa ‘It’s Showtime’ dahil hindi ito marunong sumayaw?

Barbie Imperial natanggal sa GirlTrends dahil hindi marunong sumayaw? -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

02/01/2022 03:34 PM
Barbie Imperial natanggal sa GirlTrends dahil hindi marunong sumayaw?

Inamin ni Barbie Imperial na hindi siya marunong sumayaw kaya naman todo ang paghahandang ginagawa niya para sa kanyang gagawing production number sa Sabado, Pebrero 5. Pero totoo nga bang natanggal siya sa grupong GirlTrends dahil hindi siya marunong sumayaw? 

Isa si Barbie sa mga ipinakilalang bagong hurado sa “Sexy Babe” ng It’s Showtime kasama si RK Bagatsing. 


Nang ipakilala si Barbie bilang hurado, hindi napigilan ni Vice Ganda na maitanong ang aktres kung masaya ito ngayon.

“Are you happy? tanong ni Vice. Sagot ni Barbie: “Yes.” 

Ikinwento din ni Vice na agad na umu-oo si Barbie nang alukin siyang maging hurado sa patok na segment ng nasabing programa.

“Si Barbie, nu’ng tinawagan natin siya, nag-yes siya agad. Sabi ko ‘Buti nag-yes ka agad.’ Sabi niya, ‘I wanna be busy’. Itanong niyo kung bakit gusto niyang maging busy lately,” pagbabahagi ni Vice. 

“Wala lang. Namo-move kasi ‘yung mga tapings. So, Showtime,” paliwanag naman ni Barbie. 

“Ayaw niya kasi ng mga dull moments. Ayaw niya ng mga moments na wala siyang ginagawa tapos napag-iisip lang siya,” ani pa ni Vice.

Ibinunyag naman ng kapwa hurado nito na si Ruffa Gutierrez na excited na umano si Barbie na sumabak sa sayawan. 

Agad naman itong itinanggi ni Barbie at sinabing kaya siya natanggal sa GirlTrends ay dahil hindi siya marunong sumayaw. 

“Kaya nga po ako natanggal sa GirlTrends kasi hindi ako magaling sumayaw eh,” saad ni Barbie. 

Sagot naman ni Vice: “Ay okay lang. Mag-isa ka na lang ngayon. Huwag kang mag-alala kung natanggal ka sa GirlTrends kasi hindi ka magaling sumayaw, sila din naman natanggal lahat. Charot. Love natin ang GirlTrends. Family natin ‘yan. Joke joke joke lang.” 

“Nag-workshop ako, Ate Vice,” pabirong sabi naman ni Barbie. 

“Kay Chie (Filomeno). Paturo ka kay Chie. Close ba kayo ni Chie? Ay parang hindi. Nag-away ba kayo? Charot lang,” hirit naman ni Vice. 

“Hindi ako ‘yun,” agad na sagot ni Barbie. 

“Miss na rin natin si Chie. Chie, mag-ingat ka. May lock-in taping kasi siya,” ani Vice. 

EXCLUSIVE: Barbie Imperial shares why she is no longer with Girl Trends

In 2017, Barbie told PUSH in an exclusive interview that the issue brewing between members of the group — particularly about “sisterly love” — was not the reason why she left the group.