• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Snooky Serna na sa kanya dapat ang role ni Madame Claudia Buenaventura sa ‘Pangako Sa’Yo.’

Snooky Serna, pinagsisisihan ang pagtalikod sa iconic role sa orihinal na ‘Pangako Sa’Yo’

Ibinahagi din ni Snooky Serna na sa kanya dapat ang role ni Madame Claudia Buenaventura sa ‘Pangako Sa’Yo.’

Snooky Serna, pinagsisisihan ang pagtalikod sa iconic role sa orihinal na ‘Pangako Sa’Yo’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/09/2022 06:50 PM
Snooky Serna, pinagsisisihan ang pagtalikod sa iconic role sa orihinal na ‘Pangako Sa’Yo’
Screenshot from Snooky Serna's YouTube channel

Pinagsisisihan ni Snooky Serna ang kanyang ginawang pagtalikod sa iconic role sa isang teleserye na umere noon sa ABS-CBN.

Sa isang vlog na inilabas ni Snooky, naglaro siya ng “Never Have I Ever” kung saan isa sa mga nabunot niyang tanong ang “Never Have I Ever Regretted Rejecting A Project.”

Dito, ibinunyag ni Snooky na sa kanya dapat mapupunta ang role na Madame Claudia Buenaventura kung sakaling hindi niya ito tinalikuran noon.  


Ang nasabing kontrabida role ay ginamapanan noon ni Jean Garcia sa hit serye na Pangako Sa’Yo

READ: What Pangako Sa ‘Yo has taught us

Pag-amin ni Snooky: “Meron po akong ginawa noon.” 

Tinawag namang “role of a lifetime” ni Snooky ang karakter ni Madame Claudia. 

“Nag-audition pa po ako pa sa isang role na parang a role of a lifetime,” aniya. 

Ayon kay Snooky, nasungkit niya ang role. Kinailangan niya umanong dumaan sa mga workshops noon.

Ngunit ayon kay Snooky, may pinagdaanan siya sa kanyang personal na buhay na naging dahilan para hindi niya maipagpatuloy ang pagganap bilang Madame Claudia. 

“Ang nangyari, nakapasa po ako sa audition. Tapos may workshop. Eh nagkakaroon ho ako ng personal problems at that time, hindi ko ho ginawa ‘yung workshop. So, napalitan, siyempre po,” aniya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Gayunpaman, masaya umano si Snooky para kay Jean. 

“Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon. And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Ms. Jean Garcia,” aniya. 

"Yung role po na iyon ay yung role ni Madam Claudia doon po sa show na Pangako Sa ‘Yo. Sana ako si Madam Claudia,” dagdag pa niya.