• Home
  • Fresh Scoops
  • May isang aral na iniwan si Chesca Garcia para sa mga magulang sa isang vlog na inilabas ng Team Kramer.

Chesca Garcia: ‘It’s important to spend a lot of time with your children and talk to them’

May isang aral na iniwan si Chesca Garcia para sa mga magulang sa isang vlog na inilabas ng Team Kramer.

Chesca Garcia: ‘It’s important to spend a lot of time with your children and talk to them’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/09/2022 10:30 AM
Chesca Garcia: ‘It’s important to spend a lot of time with your children and talk to them’
Photo credit to @chekakramer Instagram

Nagkaroon ng isang masayang laro ang Team Kramer para sa kanilang pinakabagong vlog. 

Ito ang “How Well Do You Know Your Daddy” kung saan nagpagalingan sa pagsagot ang magkakapatid na sina Kendra, Scarlett, at Gavin sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa kanilang daddy Doug Kramer.

Ilan sa mga natanong ay kung saan unang nagkita sina Cheska at Doug, ano ang paboritong TV show ni Doug, at kung ano ang pet peeve nito. 


READ: Doug and Chesca Kramer bring their family to Singapore

May naitanong din tungkol sa pet ni Doug noong maliit pa siya. Agad naman itong nasagot ni Kendra, isang bagay na tila ikinatampo ni Chesca. 

Dalawang linggo bago ito ilabas, nagkaroon din sila ng “How Well Do You Know Your Mommy” at hindi nasagot ni Kendra kung ano ang middle name ng kanyang ina. 

“You know your Dad’s dead dog way before you were born but you don’t know my middle name?” ani Chesca. 

READ: Doug, Cheska Kramer celebrate 14th wedding anniversary: ‘My love for you has continually grown’

Sa huli, si Kendra ang nanalo sa nasabing laro, pumangalawa si Scarlett, at panghuli naman si Gavin. 

Panoorin ang video sa ibaba:

Ani Chesca, ang naging resulta ng kanilang naging laro ay isang patunay na dapat nakikipagbonding ang mga magulang sa kanilang mga anak.

“That is why, guys, the lesson here is, it’s important for you to spend a lot of time with your children and talk to them. I mean, you know, these are really like trivial questions. But sometimes ‘di ba these are the things that we miss out on talking about. This simple information,” saad ni Chesca.