• Home
  • Fresh Scoops
  • May mensahe naman si Carla Abellana sa mga taong may pinagdadaanan.

Carla Abellana, naging bukas sa kanyang personal na buhay: ‘Siguro parang time na magsalita’

May mensahe naman si Carla Abellana sa mga taong may pinagdadaanan.

Carla Abellana, naging bukas sa kanyang personal na buhay: ‘Siguro parang time na magsalita’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/09/2022 09:53 AM
Carla Abellana, naging bukas sa kanyang personal na buhay: ‘Siguro parang time na magsalita’
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

“Siguro parang time na magsalita.” 

Ito ang mga salitang binitiwan ni Carla Abellana sa naging panayam nito kay Luis Manzano kamakailan. 

Sa pinakabagong vlog ni Luis, napag-usapan ang tungkol sa mga natutunan ni Carla sa kabila ng mga napagdaanan niya nitong taon. 


Matatandaang naging maingay ang isyu nila ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez. 

Hindi nabanggit ang pangalan ni Tom sa kanilang panayam, bagay na ikinatuwa ng mga fans dahil sa respeto umano ni Luis para kay Carla. 

Ani Carla, isa sa mga bagay na natutunan niya ang wala umano siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. 

“Ang pinakaimportante, itong past year talaga, we will never know kung anong mangyayari. We may make plans or we see everything ganyan. Nandito tayo sa mundo, tayo nagpa-plano, tayo nag-aasikaso lahat. But sometimes life just hits you na parang hindi mo talaga alam what’s going to happen tomorrow,” aniya. 

READ: Tom Rodriguez divorced na kay Carla Abellana: ‘I have to teach myself how to fall out of love from her’

“’Yung parang what you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times na talagang unpredictable ang buhay, I guess ‘yun lang. As much as you plan or perfect your life, may time talaga na you’ll get caught off guard,” dagdag pa niya.  

Pag-amin pa ni Carla, napagtanto niya na hindi sa lahat ng oras nariyan ang kanyang support system. 

“There are times talaga na you have only yourself to help you. I’m not saying naman na lahat tayo we’re alone but ‘yun bang there are times na you can only depend on yourself or ‘yung sarili mo lang ‘yung tutulong sa sarili mo,” aniya. 

“Tsaka aminin naman natin, ‘yung support system natin hindi naman ‘yan nandiyan 24/7 sa’yo, ‘di ba? Hindi naman ‘yan nakakakabit sayo forever ‘di ba?” pagpapatuloy pa niya. 

READ: Carla Abellana exposes Tom Rodriguez: ‘I was shamed’

Nang tanungin naman kung naniniwala pa siya sa pag-ibig, sagot nito: “Yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay honestly, ‘di ba? Kaya nga tayo nasa Earth because God loves us. There’s your family love, the love of my dogs, the love of your friends or barkada. So, love definitely oo naman. Love is all around. It definitely exists.”

Samantala, may mensahe naman si Carla para sa mga taong may pinagdadaanan sa ngayon. 

“Basta one day at a time. Wala tayong magagawa, that’s part of life. Hindi laging masaya, hindi laging tumatawa or nakangiti. Na whether you are alone in life or somebody, a complete family, may times na ganun talaga. Kumbaga, things happen and wala tayong magagawa kundi tanggapin ‘yun,” aniya. 

Dagdag pa niya: “And there are certain things or people na we cannot change. Siguro ‘yung how you react to it na lang. So in a year’s time sa buhay ng mga tao, may mga nangyayari na hindi naman talaga nila gusto or hindi nila inexpect. Ganun lang ‘yun. As long as you don’t give up on yourself.”