• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling iginiit ni Alexa Ilacad na hindi pa sila opisyal na mag-on ni KD Estrada.

Alexa Ilacad, sinabing ‘exclusively dating’ sila ni KD Estrada

Muling iginiit ni Alexa Ilacad na hindi pa sila opisyal na mag-on ni KD Estrada.

Alexa Ilacad, sinabing ‘exclusively dating’ sila ni KD Estrada-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/09/2022 12:27 PM
Alexa Ilacad, sinabing ‘exclusively dating’ sila ni KD Estrada

Muling nilinaw ng aktres na si Alexa Ilacad na hindi pa sila opisyal na magkasintahan ng kanyang onscreen partner na si KD Estrada.

Ito ay matapos na mag-react ng isang netizen sa kanyang vlog kung saan sinabi ni Alexa na wala pa rin siyang boyfriend.

“So wala pa naman po akong boyfriend. … But I think obvious naman na, luma-love life na tayo ngayon. But wala pa po. Coming soon, abangan,” saad niya.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

“Talaga ba? Wala ka pang boyfriend? Mameteyyyyyyy?” reaksyon ng netizen sa kanyang pahayag.

“Cge ka baka magtampo si kiddy. Baka ang nag iisang boyfriend mo mawawala…… Wag naman sana.”

Sa kanyang naging sagot, iginiit ng aktres na exclusively dating pa lang sila ni KD at hindi pa sila opisyal na mag-on.

“Please, enough about this. Pagod na po akong ipaintindi sa inyo kung ano ibig sabihin ng exclusively dating. Gusto niyong aaminin ko na kami na, eh sa hindi pa nga po talaga,” saad niya.

“But KD and I have an understanding with each other and we are both secured. It’s really not that deep,” giit niya. “And please, enough with threatening me na iiwan ako. Lagi nalang.”

Alexa Ilacad, sinabing ‘exclusively dating’ sila ni KD Estrada

Matatandaang unang na-link sina KD at Alexa matapos na sumikat ang kanilang tambalan sa loob ng Bahay ni Kuya bilang mga celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity.

Sa nakaraang panayam, parehas na sinabi ng dalawa na ayaw muna nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

“We see each other as partners but right now, especially with our very busy careers, we don’t want to put a label on it. We fear this will only cause problems later on; that it’s going to make the relationship more high maintenance. As of now, we just want to take it slow,” ani KD, ayon sa Inquirer.

Dagdag ni Alexa, “That’s what I told him. I don’t think it would be smart to add pressure to whatever is happening, especially since after PBB, we have been receiving blessings after blessings. We are so overwhelmed. I told him that we should just enjoy and not pressure ourselves by putting a label on our relationship.”

READ: Alexa Ilacad’s diamond ring makes netizens speculate about relationship with KD Estrada

Huling napanood sina KD at Alexa sa iWantTFC series na Run To Me.