• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila na tuldukan na ang usap-usapan ng tampuhan sa pagitan ni Maja Salvador at ng ABS-CBN.

Maja Salvador, muling mapapanood sa Kapamilya network

Tila na tuldukan na ang usap-usapan ng tampuhan sa pagitan ni Maja Salvador at ng ABS-CBN.

Maja Salvador, muling mapapanood sa Kapamilya network -Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/07/2022 12:15 PM
Maja Salvador, muling mapapanood sa Kapamilya network

Present sa naganap na The Iron Heart grand media conference nitong Sabado, November 5, ang aktres na si Maja Salvador.

Isa si Maja sa magiging bahagi ng upcoming Kapamilya series na nagsisimula this coming November 14.

Dito, gagampanan niya ang karakter ni Cassandra na isa sa mga leading lady ni Apollo na pagbibidahan naman ni Richard Gutierrez.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Ang special role ng aktres ang tila sagot na rin sa haka-haka ng maraming supporters ng Kapamilya network sa umano’y tampo ng ABS-CBN management kay Maja matapos nitong lisanin ang kumpanya noong ito ng prangkisa.

Ayon kay Maja na isa na ngayong independent artist, thankful siya sa ABS-CBN para sa isa na namang magandang role na ipinagkatiwala sa kanya ng network.

“Thank you Chard [Richard] Star Creatives, Tiyang Des, Kuya Mico and of course, ABS-CBN, para i-offer po sa akin itong napakagandang role,” sambit ni Maja sa press.

Aniya pa, malaki din ang tiwala niya sa dekalibreng proyekto na ginagawa ng ABS-CBN na nagbigay rin sa kanya ng markadong roles sa kaniyang 18 years bilang isang Kapamilya.

“Hindi siya bago sa akin, pero sobrang importante ito because it’s ABS-CBN, and ang ABS-CBN ay ang gandang gumawa ng isang teleserye at na-mis ko ang gumawa ng love story  kaya ayun, abangan niyo ang pag-iibigan ni Cassandra at Apollo sa ‘Iron Heart’,” pahayag ni Maja.

Matatandaan na sa huling panayam ng PUSH kay Maja, inamin nito na hindi naging madali ang kaniyang major career move.

RELATED LINK: Maja Salvador, nagpasalamat sa ABS-CBN

“I am happy kasi, siguro po, ‘yung 18 years ko na ‘yun sa industriya andoon na ‘yung mga experience ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya hindi pa din po tayo napapabayaan ni God, kaya ang dami rin pong mga offers,” aniya.

“Masaya, grateful, but still, andoon pa din tayo sa pag-gising mo, proseso na ‘ay oo nga pala’ ganun,” dagdag pang pahayag ng aktres.

Taong 2020 nang magdesisyon si Maja na maging isang independent artist matapos ang 18 years niya sa Star Magic na talent management arm ng ABS-CBN.

Si Maja ang bumida sa markadong roles ng mga Kapamilya series tulad ng “Ina, Kapatid, Anak”, “The Legal Wife”, “The Killer Bride” at ang “Wildflower” na napapanood ngayon sa digital streaming platform na Netflix.