Iana Bernardez proud and pressured na maging anak ni Angel Aquino

Ramdam ni Iana Bernardez ang pagiging anak ni Angel Aquino.

Iana Bernardez proud and pressured na maging anak ni Angel Aquino-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/07/2022 10:35 PM
Iana Bernardez proud and pressured na maging anak ni Angel Aquino
Photo credits: @ianabernardez on Instagram

Malaking karangalan and at the same malaking pressure din para kay Iana Bernadez ang maging anak ni Angel Aquino na isang magaling na aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KIM WEE-EBOL (@kimweeebol_)

“It’s such an honor po to be her daughter,” proud na pahayag ng dalaga. “Well, pag nasasabing… dahil po siguro hindi ako nag-come in to the industry na Aquino po ‘yung gamit ko, laging parang after thought na, ‘Ah, anak pala siya ni Angel Aquino.,” aniya.


“So at least ‘yung entrance ko sa kahit ano pong gawin ko, kung hindi man nila ako kilala as Iana Bernardez muna and then after na lang ‘yung, ‘Ah kaya pala magkaboses sila ni Angel, magkamukha.’ So the pressure medyo dun nababalanse,” dagdag pa niya.

READ: Iana Bernardez admits pressure being known as Angel Aquino’s daughter: ‘Sabi kamukha ko daw siya’

“But also pag nasasabi pong kahulma ko siya, kamukha, it’s an honor kasi sino ba namang mahihiyang kamukha daw siya ni Angel Aquino. Siya ‘yun,. Eh galing niya eh so natutuwa din siyempre ako dun of course,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Iana.

Si Iana ang leading lady ni Christian Bables sa pelikulang Mahal Kita Beksman ng Viva at IdeaFirst Company na mula sa panulat at direksyon ni Perci Intalan. Kasama din nila sa pelikula sina Keempee de Leon at Katya Santos.

“Nag-start po ako sa film na Gusto Kita With All My Hypothalamus. It was an amazng indie film in CineFiliino po. And then nag-indie po ulit ako sa Metamorphosis ni Gold Aceron and it gave me an award in Cinemaone Originals, so that was a big break also for me,” aniya.

“Tapos napasama ako sa Next Door, a spin-off of Gameboys. And then Dreamscape got me as their kontrabida for Marry Me, Mrry You with Janine (Gutierrez) and Paulo (Avelino). Siguro ‘yung Marry Me, Marry You ‘yung parang biggest break ko sa mainstream material. Tapos ngayon here I am, leading lady ni Christian Bables,” kuwento ni Iana kung paano siya nagsimula sa showbiz.

Ano ba ang karaniwang advice sa kanya ng mommy niya pagdating sa pag-arte?

Sagot niya: “Super pressure nga po kasi I’ve lived with her all my life, so pag nasasabi po na pareho kami ng pananalita, ng mannerisms, siyempre as a daughter gusto ko din naman ma-build yung sarili kong identity.”

READ: Iana Bernardez on learning acting from mom Angel Aquino: ‘Nakakatakot pag mag-fi-feedback siya!’

“Naririnig ko lagi ‘yung voice  ni mommy in my head when I throw lines, so I tried to find something different. Pero ang payo niya naman sa akin lagi is owning the space when I’m in the scene kasi medyo mahiyain pa ako so I have to own my space, own my character and just be as sincere as possible. ‘Yun ‘yung mga main payo niya po sa akin.”