• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaya nga bang tapatan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang JaDine tandem?

Heaven Peralejo at Marco Gallo, kaya rin bang maging katulad ng JaDine loveteam?

Kaya nga bang tapatan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang JaDine tandem?

Heaven Peralejo at Marco Gallo, kaya rin bang maging katulad ng JaDine loveteam?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/07/2022 09:54 PM
Heaven Peralejo at Marco Gallo, kaya rin bang maging katulad ng JaDine loveteam?

Magsasama sa isang series sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na magka-batch noong 2016  sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN. Ipinakilala sila bilang pangunahing tauhan sa The Rain In España sa isang cast reveal presscon na naging trending topic sa Twitter noong November 3, 2022.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mac (@marcogalloc)

Ang The Rain in España ay series adaptation ng Wattpad University series na isinulat ni Gwy Saludes na merong 550 million combined reads. Sikat na sikat ito sa mga estudyante at millennials. Si Theodore Boborol naman ang napili ng Viva bilang direktor ng series.


Ayon kay Marco, masaya siya at excited na muling makita si Heaven pagkatapos ng anim na taon. Hindi raw niya na-imagine na muli magiging magiging partners pa sila sa isang proyekto after six years.

“Definitely, I’m super lucky about that. Can’t wait to do taping, you know… Sometimes going to work is really… it’s really scary especially sinceI’m 21 and being given this kind of project is really stressful sometimes,” aniya.

“But with the right people behind you, it just turns your life around in a way. It just makes you excited about work. Yeah, I’m just really, really excited to shoot with everyone,” masaya pang pahayag sa PUSH ni Marco.

Pagkatapos ng anim ng taon ay marami na rin daw nagbago sa kanila ni Heaven.

“Definitely I can say that six years ago a lot has happened and because of those things happening we kind of lost each other. We weren’t really guided the right way,” aniya.

READ: Marco Gallo to drop first single on January 22

“But now that we have our own minds and our own responsibilities, I think there’s a lot more communication between the two of us,” pahayag pa ng binata.

“We clarified what we want and what we don’t like and I love that. I really did, because it’s easier for both of us. I’m just really happy to be working with you again Heaven,” pagpapatuloy pa niya.

Ayon naman kay Heaven, malaki rin ang nakita niyang pagbabago kay Marco nang muli silang magkita at magkausap.

Aniya: “Sobrang laki ng pagbabago namin from six years ago. Sobbrang laki din ng nakita kong pagbabago ni Marco in a good way. But at the same time, alam ko na siya pa rin yung Marco na nakilala ko noon.

“Nakikita ko pa rin yung glimpses and then lumalabas tuloy yung pagiging makulit ko ulit. Kasi siyempre tumanda, pag babae mabilis mag-mature, so medyo prim and proper ako pero nung nagkausap na kami parang bata ulit ako na sobrang kulit namin pareho. Nailabas niya ulit yung makulit na Heaven,” dagdag pa niya.

Ang pelikulang Diary ng Panget na galing din sa libroang nagpasikat sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre. Umaasa ba sila na maa-achieve din nila ang nakuhang popularity ng dalawa dahil sa The Rain In España?

Sagot ni Marco: “It definitely came to our minds if this was gonna help us in our career. But you know, I was sharing with her that these past years in this industry, I’ve learned na one of the best  learning I think is not to expect but it’s okay to hope.”

Medyo na-frustrate din daw siya noon sa takbo ng kanyang career kaya ayaw na niyang umasa pa.

“I got hurt by that because before I used to expect a lot and it wouldn’t go the way that I would think. This pandemic helped both of us to really take it day by day and work on what we have today and don’t care really about tomorrow and just give our best in the present,” sambit pa ni Marco.

READ: Heaven Peralejo, Marco Gallo reunite in upcoming series

Hindi rin daw niya iniisip na magiging sikat siya tulad ni James Reid.

“I’m not James Reid, I’m Marco lang,” diin pa niya.

Sabi naman ni Heaven: “Ako, hindi ko ine-expect na ganun, na sobra kaming sisikat sa series na ito. Kasi iba naman ito eh. This is a new show, a new story.”

“’Yung fans talaga ang magbibigay ng ligaya sa amin. Kung magugustuhan nila kami sobrang matutuwa talaga kami. ‘Pag hindi naman at least we did our best. Personally, optimistic ako na this is gonna be a great show dahil nga kay Direk Ted ‘yan,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mac (@marcogalloc)

Umaasa rin ang aktres na dahil sa The Rain In España ay magtuluy-tuloy na ulit ang magandang samahan nila ni Marco.

“Sana po, di  ba? Bakit hindi? At least hindi ako mahihirapan na siya ang katrabaho ko,” deklara pa ng dalaga sa PUSH.