• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaalam umano si Elijah Canlas kay Miles Ocampo para sa kanyang butt exposure sa “Livescream.”

Elijah Canlas, ipinagpaalam ang butt exposure sa ‘Livescream’ sa kanyang girlfriend

Nagpaalam umano si Elijah Canlas kay Miles Ocampo para sa kanyang butt exposure sa “Livescream.”

Elijah Canlas, ipinagpaalam ang butt exposure sa ‘Livescream’ sa kanyang girlfriend-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/07/2022 11:29 PM
Elijah Canlas, ipinagpaalam ang butt exposure sa ‘Livescream’ sa kanyang girlfriend

Walang kaugnayan sa isyu ng mga sikat na social media influencer na nagbangayan online ang pelikulang Livescream na pinagbibidahan ni Elijah Canlas at mula sa direksyon ni Perci Intalan.

Ayon sa direktor, matagal nang tapos ang pelikula bago pa nagkaroon ng isyu sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

“Timing lang na kung kailan kami ipapalabas may mga ganyang isyu sa social media. Nagkataon lang ‘yun at hindi sinadya,” natatawang pahayag ng Livescream writer and director.


Epal na social media influencer na mahilig mag-prank ang role ni Elijah sa Livescream. Pero in real life ay hindi raw niya pina-follow ang mga sikat na influencers.

Pahayag ni Elijah: “I don’t really follow influencers, but I do follow some vloggers. Mas international, mga friends from the industry also. Siyempre, susuportahan mo ‘yung vlogs nila but I do really respect their jobs and careers.”

“Hindi ko nga lang kayang gawin ‘yung ginagawa nila. Sa totoo lang gusto ko pero ibang level din ng skills, eh. I do respect them pero it’s not siguro for me lang,” dagdag pa niya.

Kaya rin daw ayaw niyang pasukin ang pagiging influencer ay dahil bina-value pa rin niya ang kanyang privacy. Ayaw daw niyang ibahagi lahat sa publiko ang lahat ng nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Ang Livescream na isang suspense thriller ang itinuturing ni Elijah na most challenging project niya. Physically at mentally draining daw ito. Naka-topless din siya sa karamihan ng mga eksena niya sa pelikula at pumayag din siyang magkaroon ng butt exposure sa unang pagkakataon.

“Hindi ko naman gagawin yon kung hindi kailangan sa eksena. At saka ipinaalam ko ito sa parents ko – even sa girlfriend ko (Miles Ocampo). I’m so glad that they were all very supportive. Aside from that nandun ‘yung tiwala ko kay direk Perci na hindi niya ako pababayaan,” ani Elijah.

“I was topless and barefoot for most of the film too. Covered in fake blood and dirt every day. Had an accident during one of the stunts. But what’s most memorable is the fact that I had a ton of ‘niknik’ bites. Grabe ‘yung mga sand mites na ‘yun. My body was so red and so itchy.

“You have no idea. I couldn’t sleep at some point during the lock-in shoot. Nahirapan na rin akong huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!” dagdag niyang kuwento.

Kasama ni Elijah sa Livescream ng IdeaFirst at Viva Films sina Kat Dovey, Luis Mercado at Phoebe Walker. Mapapanood ito sa Vivamax sa November 9.