• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala si Dimples Romana na deserved ni Angel Locsin ngayon ang privacy para tutukan ang kaniyang personal na buhay.

‘Nasan nga ba si Angel Locsin?’: Dimples Romana, sinagot ang tanong ng netizens

Naniniwala si Dimples Romana na deserved ni Angel Locsin ngayon ang privacy para tutukan ang kaniyang personal na buhay.

‘Nasan nga ba si Angel Locsin?’: Dimples Romana, sinagot ang tanong ng netizens-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/06/2022 07:52 PM
‘Nasan nga ba si Angel Locsin?’: Dimples Romana, sinagot ang tanong ng netizens
Photo Credit: @dimplesromana on Instagram

Isa ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa mga bahagi ng upcoming Kapamilya series na The Iron Heart na mapapanood this November 14.

Sa naganap na grand media conference ng Kapamilya series, nakapanayam ng PUSH at ABS-CBN News si Dimples at agarang itininanong kung kamusta nga ba ang kaniyang best friend na si Angel Locsin. 

Read: Angel Locsin thanks Dimples Romana for witnessing her marriage to Neil Arce


Kasunod ito nang tila matagal na pananahimik ng aktres na naging dahilan upang hanapin din ito ng mga netizens.

“Alam mo dapat hindi ako ang tinatanong niyo,” pabirong sambit ni Dimples.

Ayon kay Dimpes na kilalang malapit kay Angel, normal ang ginagawa na hiatus ng kaibigan para tutukan ang kaniyang personal na buhay.  

“Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel [Angel] super earned that kind of (privacy) kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since,” aniya.

At kahit na malapit kay Angel, ibinahagi ni Dimples na matagal-tagal na rin silang hindi nakapagkita ng kaibigan na ninang ng kaniyang anak na si Alonzo. 

“Even at this point, I always give it to her as well pero malapit na ang birthday ko kaya – ano na, lagi kong nakikita si Gel. Lalo na last time, I think I got to visit her a few months ago, I was in the area. My son goes to school around her area, so we had lunch together. So, ayun, that was the last time I saw her.” 

Hindi man nagkikita ng personal ngayon dahil sa kanya-kanyang busy schedule, palagi naman aniya niyang nakakausap si Angel at ang mister nitong si Neil. 

“She always messages me naman and I always call her, very random naman kaming magkaibigan. So ‘yung pagkakaibigan namin hindi parang pagkakaibigan na parang pang-artista, pang normal na tao siya, nagtatawagan, nagfi-FaceTime, ganun,” ani Dimples. 

Para rin kay Dimples, deserved ni Angel ang break mula sa limelight ng showbiz at bigyan ng oras ang kaniyang sarili ngayon. 

“But I think, kung mayroon man, I think ang dami nang nagtatanong sa akin parang pang-ilan na kayo, kung mayroon man, ibigay na natin ang privacy na ‘yun, ibigay na natin ‘yun sa kanya. And I think na earn na ni Gel ‘yung ganun klase ng luxury ‘yung time and privacy with Neil,” aniya.

Read: Dimples Romana reveals why Angel Locsin and Bea Alonzo are the best ninangs to her kids

Dagdag pa niya: “And si Neil ka-message ko last time sabi ko ‘Hoy ano na kamusta?’ Tapos sine-sendan ko sila ng videos ni (baby) Elo kasi si Gel ang ninang ni Alonzo, si Neil ang ninong ni Elo,” saad ni Dimples. 

At nang ating ulitin kung kamusta nga ba si Angel, ito ang naging sagot ng aktres: “Nako bakit ako ang tinatanong niyo, ambush ba ‘to?,” pabirong sambit ni Dimples. “But, for anything, we should give lang Gel the time na you know she wants to keep it to herself.” 

Sa ngayon, tutok si Dimples sa kaniyang bagong pagbibidahan na Kapamilya series kasabay ng kaniyang pagiging hands-on mother sa kaniyang tatlong anak.