Viy Cortez at CongTV, engaged na

Bumuhos ang pagbati para kina Viy Cortez at CongTV.

Viy Cortez at CongTV, engaged na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/04/2022 09:30 AM
Viy Cortez at CongTV, engaged na
Photo credit to @viycortez and @thecongtv Instagram

Proud na inanunsyo nina Viy Cortez at Cong Velasquez (na mas kilala bilang CongTV) ang kanilang engagement Huwebes, ika-3 ng Nobyembre. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Viy ang isang litrato kung saan ibinida niya ang kanyang engagement ring. 

Ani Viy sa caption ng kanyang post, una palang alam na niya na si Cong ang kanyang mapapangasawa. 


“Yes love! Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko,” saad ni Viy. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Nagpost din si CongTV ng isang litrato kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi si Viy. 

Pinasalamatan niya ang kanyang fiancée sa matiyaga umanong paghihintay nito sa kanya. 

READ: Viy Cortez, Cong TV welcome first child

“Salamat sa matiyaga mong paghihintay. Hindi ka na magtatanong sa’kin muli. I love you @viycortez!! 

Bumuhos naman ang pagbati para kina Viy at CongTV mula sa ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at kapwa influencers gaya nina Christine Samson, Marvin Fojas, Alodia Gosiengfiao, Agassi Ching, Kiefer Ravena, Michelle Dy, Dani Barretto, at Jessy Mendiola. 

READ: CongTV with son Kidlat

“Congratulations!!! OMG!!!!!” saad ni Christine Samson. 

It’s About damn time!!!” komento ni Michelle Dy. 

“yeeees! Congrats sainyong dalawa!” ani naman ni Jessy Mendiola. 

May isang anak sina Viy at CongTV, si Kidlat.