• Home
  • Fresh Scoops
  • Kahit napag-uusapan na nila ni Catriona Gray ang pagpapakasal, ayaw ni Sam Milby madaliin ang bagay na ito.

Sam Milby pressured nga ba sa pag-aasawa? ‘I don’t want to put a time frame on myself’

Kahit napag-uusapan na nila ni Catriona Gray ang pagpapakasal, ayaw ni Sam Milby madaliin ang bagay na ito.

Sam Milby pressured nga ba sa pag-aasawa? ‘I don’t want to put a time frame on myself’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/04/2022 04:22 PM
Sam Milby pressured nga ba sa pag-aasawa? ‘I don’t want to put a time frame on myself’

Ano nga ba ang dahilan ng Kapamilya actor na si Sam Milby kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpo-propose sa girlfriend niyang si Catriona Gray? Ano ba ang pumipigil sa kanya?

“Hindi naman sa parang may isang bagay na humaharang sa akin, it’s not that. Wag n’yo kong pangunahan,” pabiro at natatawang pahayag ng hunky actor.

“It’s a stage that I’m excited [about] and looking forward [to]. Abangan niyo kapag dumating na ang stage na yan. Siyempe, hintayin n’yo lang, masu-surprise din kayo,” bitin niyang hirit.


Para kay Sam ay si Cat na daw talaga ang kanyang “the one.”

“I do believe so. I do. I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one,” deklara pa niya.

“At my age also, why would I be wanting to stay and stick around if I don’t feel that we have a future? I’m really looking for my life partner obviously, and I really hope that she is,” sabi ulit ng binata.

BASAHIN: Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network: ‘As long as they need me, I will stay!’

Sam is turning 39 next year pero ayaw daw niyang bigyan ng time frame ang sarili kung kelan magse-settle down.

“If you would’ve asked me this question when I was in my early 20s, I would’ve said, ‘Oh, my ideal age to start a family is 35.’

“But I’m not getting any younger,  siyempre. I’m turning 39 next year and I’m at a point in my life where I don’t want to put a time frame on myself.

“Do I feel pressured? A lot of people are asking me that because karamihan ng mga kaibigan ko, they’re married, they have kids,” sabi ng aktor.

Eh, si Catriona, handa na rin kaya ang beauty queen na magpakasal at maging parent sa kanilang magiging anak?

Tugon ni Sam, “She’s still young, I don’t want to answer for her, but yes, napag-uusapan na namin. I’m excited.”

Samantala, very proud boyfriend din si Sam nang malamang nominated si Cat sa Asian Television Awards as Best Host para sa Top Class: The Rise to P-Pop Stardom na gaganapin sa Singapore.

“I’m so proud of her, I’m so happy for her, she definitely deserves it, that’s where… and the many things that she does, (she) shines. It’s one thing that she’s very comfortable with.

“She has it, she’s very natural at hosting, and she deserves it. I’m sure it’s going to be one of many. It’s funny because she’s actually hosting that event at the same time. She’s nominated and she’s hosting that event. So, I’m very proud of her and I’m very happy for her,” pagbibida niya tungkol sa achievement ng girlfriend.

BASAHIN: Gerald Anderson and Sam Milby are Flex’s newest cover boys this November

Nakausap ng PUSH si Sam sa grand launch ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets kung saan siya ang brand ambassador.