• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki ang pasasalamat ni Sam Milby sa Kapamilya network dahil ‘ABS-CBN is the one who made me.’

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network: ‘As long as they need me, I will stay!’

Malaki ang pasasalamat ni Sam Milby sa Kapamilya network dahil ‘ABS-CBN is the one who made me.’

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network: ‘As long as they need me, I will stay!’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/03/2022 09:53 AM
Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network: ‘As long as they need me, I will stay!’
Photo credit to @ samuelmilby Instagram

Mananatili pa rin sa Kapamilya network ang singer-actor na si Sam Milby. Ito ang kanyang naging pahayag sa PUSH at entertainment press na dumalo sa presscon ng Beautéderm Corporation na ginanap noong mismong kasagsagan ng Bagyong Paeng, October 29, 2022 sa Luxent Hotel, Quezon City.

Inamin ng handler ni Sam sa Cornerstone Entertainment na totoong nagkaroon ng offer mula sa ibang TV network, pero hindi na raw ito umabot pa sa negosasyon.

Ani Sam, “I don’t know If I want to talk about offers, but hangga’t kaya, I would not want to leave. Because ABS is the one who made me and where I am.


“And I appreciate it, you know, changed my life. As long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay,” paniniguro ng aktor.

Si Sam ang bagong brand ambassador ng Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.

BASAHIN: Gerald Anderson and Sam Milby are Flex’s newest cover boys this November​

Ayon sa aktor, mas kailangan niyang ipakita ngayon ang suporta at loyalty sa Kapamilya network sa panahong may pinagdadaanan ito.

“Siyempre, kawawa ang ABS ngayon na walang prankisa, and hindi rin natuloy ang partnership with TV5, which I thought it would be helping for ABS,” sabi ni Sam.

“But you know, ABS is surviving, they’re putting out great projects, and I think that’s one thing about ABS, you can be assured na yung proyekto na nilalabas nila is maganda,” dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng halimbawa si Sam ng isang dating Kapamiya actor na naging very smooth ang paglipat sa ibang TV network.

“You know, work is work. Basta nagpaalam ka lang nang maayos sa station, there’s should be any bad blood. I mean, one good example for me was Rayver [Cruz].

“Lumipat si Rayver even before pandemic. Nagpaalam siya nang maayos, and I think he will always have good relationships. I think that’s important, don’t burn any bridges.

“Make sure that you show appreciation for the station that’s given you so much love and so much work and blessings. And I think if you keep that relationship and nagpaalam lang nang maayos, yeah I think you’ll be all right,” paliwanag ni Sam.

BASAHIN: Catriona Gray, Sam Milby go camping

Anyway, malaking factor ang klase ng lifestyle ni Sam kung bakit siya kinuhang ambassador ng Beautéderm.

“Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.

“The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho,” ayon kay Rhea Tan, ang CEO at president ng Beautéderm Corporation na personal na nag-welcome kay Sam sa ginanap na grand launch.

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network

Sey naman ni Sam, “Through the years, I learned the importance of maintaining a healthy lifestyle because of the challenging lifestyle that I have as an actor which could affect the wellbeing of both my mind and body.

“Kailangan kong siguraduhin na I’m always in the best physical condition through regular exercise and the right diet coupled with the right amount of sleep. Perfect na partner para sa akin ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets para masiguro ko na lagi akong healthy at fully charged all the time.

“I am honored and grateful now that I am finally a part of Beautéderm’s amazing family,” dagdag pa ng aktor.

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network

Sam Milby expresses loyalty to Kapamilya network

Napapanood si Sam sa Kapamilya teleseryeng A Family Affair kasama sina Ivana Alawi at Gerald Anderson weekdays (Monday to Friday), 9:20 p.m.