• Home
  • Fresh Scoops
  • May mansion na ang dating ‘PBB’ housemate na si Madam Inutz.

PANOORIN: Madam Inutz, naging emosyonal nang makita ang kanyang dream mansion

May mansion na ang dating ‘PBB’ housemate na si Madam Inutz.

PANOORIN: Madam Inutz, naging emosyonal nang makita ang kanyang dream mansion-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/03/2022 09:21 AM
PANOORIN: Madam Inutz, naging emosyonal nang makita ang kanyang dream mansion
Screenshot from Wilbert Tolentino VLOGS YouTube Channel

Tinupad ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang pinapangarap na mansion ng dating Pinoy Big Brother housemate at content creator na si Madam Inutz. 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Wilbert ang mga naging pagbabago sa bahay ni Madam Inutz. 

Matatandaang Oktubre noong taong 2021 nang unang sorpresahin ni Wilbert si Madam Inutz ng bagong bahay. 


READ: Madam Inutz, niregaluhan ng house and lot ng manager bago pumasok sa ‘Pinoy Big Brother’

Ayon kay Wilbert, inabot ng isang taon ang kanilang pagpapagawa ng bahay. 

Hindi naman napigilan ni Madam Inutz na maging emosyonal nang makita ang pinagbago ng kanyang bahay na ngayon ay tila isang mansion na. 

“Hindi ako makapaniwala,” ani Madam Inutz na maluha-luha nang magbigay ng kanyang reaksyon. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, magkakaroon din ng sariling shop si Madam Inutz sa kanyang bagong bahay. 

Nakilala si Madam Inutz dahil sa kanyang mga live selling videos. Mas lalo naman itong sumikat nang sumali sa ABS-CBN reality series na Pinoy Big Brother