• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Herlene Budol ang kaniyang last minute preparations para sa kaniyang laban sa Miss Planet International.

Herlene Budol, biyaheng Uganda na para sa Miss Planet International

Ipinasilip ni Herlene Budol ang kaniyang last minute preparations para sa kaniyang laban sa Miss Planet International.

Herlene Budol, biyaheng Uganda na para sa Miss Planet International-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/03/2022 10:01 PM
Herlene Budol, biyaheng Uganda na para sa Miss Planet International

All set na ang Binibining Pilipinas first runner-up na si Herlene Nicole Budol para sa kaniyang bagong laban bilang kinatawan ng Pilipinas sa 2022 Miss Planet International sa Uganda.

Sa uploaded photos ng Binbining Pilipinas sa kanilang social media account, ibinahagi dito ang traditional send-off photo ng kandidata kung saan hawak nito ang watatwat ng Pilipinas.


“Goodbye for now as Herlene gets ready to say hello to Uganda. Miss Planet International here she comes!” caption ng Binibining Pilipinas.

Handpicked si Herlene bilang unang Filipina candidate na lalaban at susungkitin ang first-ever title ng bansa sa 15-year-old African pageant.

Sa huling panayam ng PUSH kay Herlene, ibinahagi nito ang kaniyang malaking pasasalamat sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated na naging daan sa pagbubukas ng maraming pagkakataon sa kaniya at sa kaniyang karera bilang isang beauty queen at social media personality.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Eto isa rin po isa sa dapat ko rin pasalamatan ang Binibining Pilipinas po. Kase una sa lahat, sila po ang naging stepping stone ko po para matupad pa po ang ibang mga pangarap ko na puwede pa palang mangyari sa akin, at kung hindi rin po dahil sa kanila, hinding hindi rin po ako mananalo ng Jag Queen. Hindi rin po ako magkakaroon ng billboard, hindi rin po ako makakalaban sa Miss Planet International, at marami rin pong opportunity ang ibinigay po sa akin ang Binibining Pilipinas.”

READ: Herlene Budol, tampok sa malaking billboard sa EDSA

Sa bahagi rin ng ating panayam, aminado si Herlene na kabado siya sa kaniyang gagawing laban bilang official representative ng Pilipinas sa Uganda.

“Nakakatakot pong dumayo kasi ang expectation po ng mga tao sa akin dito, ay ma-disappoint ko po sila pero gagawin ko po ang dapat kong gawin para pag uwi ko with crown po,” sambit niya.

Kabado man sa kaniyang laban, siniguro ng Pinay beauty na handa siya sa kaniyang pag-alis at haharapin na laban. Sa uploaded social media post nito, ipinasilip ng Pinay beauty ang kaniyang last minute preparations sa kaniyang mga OOTDs na aabangan ng pageant fans.

Aniya, limang maleta ang kaniyang bitbit para siguraduhin na stand out ang Pinay beauty sa 80 kandidata na kaniyang makakasama sa Uganda.

“Hindi biro ang pag sabak ng isang pageant. yung preparasyon na dapat kumpleto susuotin pang araw araw. Limang maleta at isang box na National Costume. Grabe, bigla ko naramdam ang pressure. Ochentang delegates ang makakalaban ko sa patimpalak @missplanetinternational,” bahagi ng caption ni Herlene.

Sa darating na na November 19 gaganapin ang coronation night ng Miss Planet International at kung papalarin, si Herlene ang unang Filipina na makakapag-uwi ng titulo sa nasabing pageant organization na nagsimula noong 2007.

READ: Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines