• Home
  • Fresh Scoops
  • Naiyak sa tuwa ang aktres na si Kim Molina nang muling makita ang kanyang iniidolong si Regine Velasquez.

Kim Molina, naiyak nang makita si Regine Velasquez

Naiyak sa tuwa ang aktres na si Kim Molina nang muling makita ang kanyang iniidolong si Regine Velasquez.

Kim Molina, naiyak nang makita si Regine Velasquez-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/25/2022 02:21 PM
Kim Molina, naiyak nang makita si Regine Velasquez
Photo Credit to @kimsmolina on Instagram

Naiyak sa tuwa ang aktres na si Kim Molina nang muling makita ang kanyang iniidolong si Regine Velasquez.

Sa Instagram, isang video ang ibinahagi ni Kim kung saan hindi nito maitago ang saya nang makita at mahagkan niyang muli ang tinitingalang singer.

“Nakita ko nanaman siya.. pasensya po di nanaman napigilan ang ate fangirl niyo,” ani Kim.


“Love you sobra ate @reginevalcasid na nagtataka bat lagi raw akong naiiyak pag nakikita ko siya ano raw ba ginawa niya sa’kin.”

Paliwanag ng aktres, bata pa lang kasi siya ay iniidolo na niya si Regine na kilala sa industriya bilang nag-iisang “Asia’s Songbird.”

“Haaay Songbird.. You and your music are the inspiration that helped mold this little dreamer since the age of 2,” aniya. “Pramis next time kakayanin ko na po. Hinga po ako ng malalim.”

Read: WATCH: Kim Molina belts out 'Amakabogera'

Unang nakilala si Kim, 31, sa Filipino stage musical na Rak of Aegis noong 2014.

Matapos nito ay naging parte siya ng sikat na seryeng Kadenang Ginto noong 2018. Bukod dito, napanood din si Kim sa iWant Original Movie na Momol Nights at #Jowable noong 2019. 

Huling bumida si Kim sa 2021 Viva film na Ang Babaeng Walang Pakiramdam kasama ng kanyang nobyong si Jerald Napoles.