• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-ospital kamakailan ang OPM singer na si Jessa Zaragoza dahil sa sakit na acute gastoentritis at mild dehydration.

Jessa Zaragoza, na-ospital dahil sa gastroenteritis

Na-ospital kamakailan ang OPM singer na si Jessa Zaragoza dahil sa sakit na acute gastoentritis at mild dehydration.

Jessa Zaragoza, na-ospital dahil sa gastroenteritis-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/24/2022 02:17 PM
Jessa Zaragoza, na-ospital dahil sa gastroenteritis
Photo credit to @jessazaragoza Instagram

Na-ospital kamakailan ang OPM singer na si Jessa Zaragoza dahil sa sakit na acute gastoentritis at mild dehydration.

Ito ang bagay na ibinahagi ni Jessa, 43, sa kanyang post sa Instagram nitong Miyerkoles, Nobyembre 23.

Kwento ng mang-aawit, bandang hapon noong Martes nang isinugod siya sa ospital matapos niyang makaramdam ng matinding sakit sa kanyang tiyan.




“Maiba naman na post. Ito hindi glamorous. Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka, ‘Parang di ko yata kaya. ‘Di ko na keri!’ So we went straight to the ER at Cardinal Santos. Turns out it was Acute gastoentiritis with Mild dehydration,” aniya.

“Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit. As in. ER doctors asked me, ‘Ano ‘yung level ng sakit from 1-10?’ Sabi ko, ’10.’ The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that. Thank GOD, that was not the case.”

Dagdag ni Jessa, “Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before. May tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng ‘di ko nakikita.”

READ: Dingdong Avanzado after being attacked by bees: ‘I counted over 40 stings!’

Ayon pa kay Jessa, agad din siyang nakauwi mula sa ospital at kasalukuyan nang nagpapagaling sa kanyang bahay.

“I’m home now, resting. Kakapanghinayang lang din, na-cancel mga scheds na dapat kong tapusin. I have to get better first. Sana as soon as possible. Ang hirap magkasakit,” saad niya.

“Lesson learned; Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta.”

Tinagurian bilang "Phemonenal Diva" si Jessa na kilala sa kanyang mga sikat na awitin tulad ng "Bakit Pa?", "Kahit Na Ilang Umaga", at "Bakit Ako Mahihiya."

Mahigit dalawang dekada nang kasal si Jessa sa kanyang mister na si Dingdong Avanzado. May isa silang anak na si Jayda na sumunod sa kanilang yapak sa showbiz at isa na rin ngayong ganap na aktres at singer.