• Home
  • Fresh Scoops
  • Minsan nang naging bahagi si Zeinab Harake ng ‘Maalaala Mo Kaya’ episode na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Zeinab Harake, ibinunyag na naging bahagi ng isang ‘MMK’ episode noon, pumila noon sa ‘PBB’

Minsan nang naging bahagi si Zeinab Harake ng ‘Maalaala Mo Kaya’ episode na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Zeinab Harake, ibinunyag na naging bahagi ng isang ‘MMK’ episode noon, pumila noon sa ‘PBB’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/23/2022 10:29 AM
Zeinab Harake, ibinunyag na naging bahagi ng isang ‘MMK’ episode noon, pumila noon sa ‘PBB’
Photo credit to @zeinab_harake Instagram

Hindi maikakaila na isa si Zeinab Harake sa pinakamalaking bituin sa bansa ngayon. Bagama’t kilala siya bilang isang vlogger, lumabas na din sa telebisyon noon si Zeinab. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sa isang guest appearance sa Luis Listens series ni Luis Manzano, naitanong sa aktres kung naisip niya ba noong maliit pa siya kung ito na talaga ang tatahakin niyang landas. 


Paliwanag ni Zeinab, hindi umano niya ito naisip ngunit bata lamang siya ay nag-au-audition na siya sa mga programa sa telebisyon. Isa na rito ang sikat na ABS-CBN reality series na Pinoy Big Brother

READ: Rob Blackburn and Isabel Laohoo complete PBB Big 5

“Hindi eh. Hindi talaga. Pero pinag-aartista ako ng nanay ko dati. Pumipila pa ako sa mga audi-audtion dati sa [ABS-CBN] — kung saan may audition,” ani Zeinab. 

Ani Zeinab, hindi na niya itinuloy ang pag-a-audition sa haba ng pila sa show kung saan maraming tao ang nangangarap mapabilang. 

“Pumila ako sa PBB [Pinoy Big Brother] sa MOA [Mall of Asia] before. Pero parang three days ‘yung pila dun. One day ako nag-antay tapos wala pa kami dun sa kalahati. So umalis na ako, hindi ko na tinuloy. Sobra talaga at totoo ‘yung pila,” saad ni Zeinab. 

Ayon pa kay Zeinab, naging bahagi pa siya ng isang Maalaala Mo Kaya episode na pinagbidahan ni Maja Salvador. 

READ: ‘Maaalala Mo Kaya’ to end after more than three decades

“Nakapag-extra pa ako. MMK. Parang si Maja Salvador ‘yung inextrahan ko tapos si Ella Cruz ‘yung batang Maja Salvador. Parang ganun. Tapos runner lang ako dun. Buong araw nagtatatakbo lang ako dun. Extra days. Pero batang-bata pa ako. Mga 9 or 10,” ani Zeinab. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Sa parehong vlog, ibinahagi rin ni Zeinab kung paano siya nakilala na aniya ay nagsimula dahil sa pag-popost ng mga netizens ng kanyang mga litrato sa Facebook pages.