• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi umano naging madali para kay Julia Barretto ang nakaraang dalawang taon.

Julia Barretto, ibinahagi ang mga natututunan nang magdesisyong bumukod sa kanyang pamilya

Hindi umano naging madali para kay Julia Barretto ang nakaraang dalawang taon.

Julia Barretto, ibinahagi ang mga natututunan nang magdesisyong bumukod sa kanyang pamilya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/23/2022 09:45 AM
Julia Barretto, ibinahagi ang mga natututunan nang magdesisyong bumukod sa kanyang pamilya
Photo credit to @juliabarretto Instagram

Naging bukas ang aktres na si Julia Barretto sa kanyang personal na bahay lalo na sa kanyang pamumuhay mag-isa sa kanyang bagong tahanan. 

Hindi maikakaila na marami ang nagbago sa buhay ni Julia sa loob ng dalawang taon lalo pa’t nagdesisyon itong bumukod sa kanyang pamilya. Kaya naman para sa November 2022 issue ng Cosmopolitan Philippines, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga natutunan habang namumuhay siya mag-isa.


Pag-amin ni Julia, “challenging” ang nakaraang dalawang taon dahil kinailangan niyang maging matatag sa mga pagbabago sa kanyang buhay. Matatandaang lumipat din ito ng talent management agency at isinapubliko ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. 

READ: Gerald Anderson attends family dinner with Julia Barretto

“I think the past two years have been the most challenging years of my life yet, only for the main reason na it was just about adapting to a lot of changes in my life and being brave enough and strong enough to withstand the transitions in my life,” ani Julia. 

“I don’t think any kind of change is easy. The older you get, the braver you become [to accept] change,” ayon pa kay Julia. 

Ngunit ayon kay Julia, hindi na bago sa kanya ang pag-aayos ng mga bills lalo pa’t ginagawa na niya ito noon pa man dahil iniwan na ng kanyang ina na si Marjorie Barretto ang mga bagay na ito.

READ: Julia Barretto graces three magazine covers

“Ang dami niya na kasing iniwan sa akin na duties and even the bills [before] so ang dami ko lang ding na-discover sa sarili ko and natutunan,” saad ni Julia. 

Gayunpaman, inamin ni Julia na nagugulat pa rin siya sa mga living expenses niya lalo pa’t hindi nadiskubre niya na hindi umano matapos-tapos ang pagdating ng mga ito. 

“Ang living expenses, hindi naman natatapos yan! Parang minsan, magugulat ka, ‘Ay, may nagli-leak! Ay, may nasirang ilaw, napundi! Ay, yung kitchen! Ay, yung gas! Ay, yung tubig! Ay, yung kuryente,’” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya: “I think it was nakakagulat. Parang, ‘OMG! Ito pala yung responsibilities!’ Like, you don’t expect it, you will just hear about it [before] but when you’re there na, iba siya, e. So, nagulat ako.”