• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Pooh na di sila magkasundo ni Chokoleit noong una silang magkakilala.

Pooh naiyak nang maalala si Chokoleit: ‘Ang dami kong gustong isumbong sa kanya’

Aminado si Pooh na di sila magkasundo ni Chokoleit noong una silang magkakilala.

Pooh naiyak nang maalala si Chokoleit: ‘Ang dami kong gustong isumbong sa kanya’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2022 09:48 AM
Pooh naiyak nang maalala si Chokoleit: ‘Ang dami kong gustong isumbong sa kanya’

Hindi napigilang mapaiyak ng komedyanteng si Pooh nang maalala ang pumanaw na kaibigang at kapwa komedyante na si Chocoleit. Namatay si Chocoleit noong March 9, 2019 dahil sa cardiac arrest. 

Sa interbyu ng PUSH kasama ang ilang showbiz press para sa season finale presscon ng TV5 program niyang Oh My Korona ay ibinulalas ng komedyante kung gaano niya nami-miss si Chocoleit.

Ani Pooh, marami sana siyang gustong isumbong kay Chocoleit lalo na yung mga naranasan niya nitong sa panahon ng pandemya pero dahil wala na ito kaya sinarili na lang niya ang lahat.


“Lagi akong nag-a-ano… Sabi ko nga, ang dami kong gustong isumbong kay Chokie. Yung gusto kong pagalitan niya ako, ‘Hoy bakla!’ Kasi hindi ganun yon dati, eh.

“Nami-miss ko si Chocoleit. Sobrang na-miss ko. Pero hindi para sumunod ako sa kanya. Hahaha!” pahayag ni Pooh.

Patuloy niya, “Nami-miss ko siya kasi si Chokie yung, ‘Tangna ka bakla ang aarte-arte mo hindi ka naman masyadong maganda. Wag ka ngang iiyak-iyak diyan.’ Ganun siya, yung ihuhubog ka niyang maging strong.

“Kasi minsan kasi bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety, hindi ko alam kung anong gagawin ko and si Chokie lang ang gusto kong mapagsumbungan. Nakikipag-usap ako sa kanya pero hindi naman siya sumagot at ayoko siyang sumagot.

“Sobrang laki ng ano sa akin ni Chokoleit. Yung parang siya lang yung nasusumbungan ko ng totoo kasi siya yung laging nagsasabi ng totoo.”

BASAHIN: Pooh and Chad Kinis spoof Maja Salvador and Nadine Lustre

Naikuwento rin ni Pooh na dati pala silang magkaaway ni Chokoleit bago naging magkaibigan.

“Matagal kaming magkaaway niyan, oo. Nagkaroon daw siya ng insecurity sa akin dati. Di ba, kasi Chokie yan, eh, so pumasok ako, eh.

“Nainis siya, nainggit siya. Sinabi niya sa akin yon, oo. Sabi ko, ‘Bakla ka hindi tayo magkaaway. Magkakampi tayo, magtulungan tayo ngayon.’

“Alam mo, simula nung nagkaroon kami ng grupo nina K (Brosas), don na-develop, don na-enhance yung friendship namin,” kuwento niya.

Ayaw din daw siyang makasama noon ni Chocoleit sa mga shows.

“Diyos ko po, ayaw akong kasama no’n. Pag sasampa ako (sa stage) ayaw niyang ako ang mauuna, tapos ayaw din niyang ako ang mahuhuli. Kasi di ba, ganun yon, eh, ang mahuhuli ikaw yung… Ayaw niya non,” wika ni Pooh.

“Pero alam mo nakilala ko siya nung nagka-grupo kami taoos nagkausap kami heart-to-heart. Sabi ko, ‘Ay si Chokoleit talaga totoo. Alam mo ang ugali ni Chokoleit talagang maldita pero talaga kasing ano pala niya yon—defense mechanism niya pala yon.

“Yon pala yung gusto niyag i-pronta, pero kung kilalanin mo siya sa loob, iba. Naku, Diyos ko Chokie kung nandito ka lang…” buntong-hininga ng komedyante.

BASAHIN: Pokwang remembers good friend Chokoleit on his birthday

Ayon pa sa malapit na kaibigan ni Maja Salvador kung buhay pa raw ngayon si Chokoleit ay siguradong isa na itong sikat na vlogger.

“Kung nandito pa si Chokoleit siguro nagba-vlog na rin yon ngayon. Napakadami sigurong subscribers no’n. Eh, kasi parehas kami dati, eh.

“Ang daming nag-aaya sa aming mag-vlog pero parang hindi namin buhay yon, parang hindi namin life. Parang sabi namin… O dahil siguro noon kaliwa’t kanan pa yung proyekto, hindi pa namin ma-ano. 

“Tapos nung pandemic parang ‘Oo nga ano?’ Parang yon yung pinagkakakitaan nila, ngayon kami wala. Pero buti na lang bago naman nag-pandemic nakapagsubi ng konti,” pagtatapos ng magaling na komedyante.