• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Hajji Alejandro kung paano siya tinulungan in Danny Javier noong nagsisimula pa lang siya billing singer.

Hajji Alejandro ibinahagi ang malaking ambag ni Danny Javier sa kanyang singing career

Ikinuwento ni Hajji Alejandro kung paano siya tinulungan in Danny Javier noong nagsisimula pa lang siya billing singer.

Hajji Alejandro ibinahagi ang malaking ambag ni Danny Javier sa kanyang singing career-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2022 12:58 PM
Hajji Alejandro ibinahagi ang malaking ambag ni Danny Javier sa kanyang singing career

Inamin ng singer at OPM icon na si Hajji Alejandro na may malaking bahagi sa kanyang singing career ang APO Hiking Society member na si Danny Javier.

May mga hindi raw siya malilimutang alaala kay Danny na pumanaw nitong nakaraang October 31, 2022.

“Ang dami, ang dami! Kasi karakter yang si Danny, eh. Ang sarap kasama niyan, barkada ko talaga, eh. 


“Magkakasama kami hindi lang onstage. Golf buddies kami, pareho kaming frustrated golfer niyan, eh,” wika ng orihinal na Kilabot ng mga Kolehiyala.

Baguhang singer pa lang daw si Hajji noon pero sinamahan na siya ni Danny sa una niyang radio visit para i-promote ang mga kantang “Tag-Araw, Tag-ulan” at “Panakip Butas”. In-introduce din daw siya ni Danny sa mga radio station DJs sa Metro Manila.

“Ang dami niyang itinuro sa akin... Kasi maganda ang PR ni Danny, eh. Yon yung nakita ko sa kanya talaga, eh, na gusto kong ma-emulate right away. Kasi ako, mahiyain ako to the point na nung araw when I first started, ang akala ng mga tao suplado ako!

“To this day, actually marami pa rin ang nagsasabing suplado ako. Hindi nila alam iba ang nature ko offstage, eh. Naiiba ako pag nasa entablado ako, nagiging makapal ang mukha ko, eh. Pero offstage mahiyain akong tao talaga.

“Si Danny has contributed so much, sa mga composition niya, saka yung personality niya onstage at mga galaw niya. So, sabi ko ang gandang ano, nakaka-inspire ito. Even offstage ganun siya. Pareho lang ang personality niya, what you see is what you get,” tuloy-tuloy pang kuwento ni Hajji.

BASAHIN: OPM industry, nagluksa sa pagpanaw ni Danny Javier

Ibinahagi rin ni Hajji ang mahalagang kontribusyon ni Danny sa industriya ng musikang Pilipino.

Saad niya, “Siyanga pala, a little trivia: yung salitang OPM was coined by Danny Javier. And that came about nung ginawa ko yung album containing “Kay Ganda Ng Ating Musika”.

“Si Danny, magkasama kami sa Jem, suggested, ‘Hajji, ang gawin nating title ng album mo Strictly OPM!’ Sabi ko, ‘Ano yon?’ ‘OPM nakalagay sa ilalim, Original Pilipino Music.’ ‘Uy, maganda iyan!’ sabi nina Willy Cruz, mga bossing ng Jem noon.

“So kay Danny nagmula at unang nakita yung word na OPM, dun sa third album ko na Strictly OPM containing the music “Kay Ganda Ng Ating Musika”. Utang natin kay Danny yon.”

BASAHIN: Late Danny Javier gifted fans with one last song

Magkakaroon ng concert si Hajji kasama ang anak na si Rachel sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort and Casino. The title of the show is Mana-Mana Lang at special guest si Rox Puno na anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno, at ang grupong Mojofly.

Musical director ng concert si Ali Alejandro na anak din ni Hajji at stage director naman si Vergel Sto. Domingo.

Si Tony Boy Faraon naman ng Rotary Club of Manila ang producer ng Mana-Mana Lang.