• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinawag na “a moment I will treasure for a lifetime” ang kanyang Urian Best Actress Award.

Yen Santos, inialay kay Paolo Contis ang kanyang Urian Best Actress Award

Tinawag na “a moment I will treasure for a lifetime” ang kanyang Urian Best Actress Award.

Yen Santos, inialay kay Paolo Contis ang kanyang Urian Best Actress Award-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2022 10:46 PM
Yen Santos, inialay kay Paolo Contis ang kanyang Urian Best Actress Award
Photo credit to @ysantos on Instagram

Award-winning actress na ang dating Pinoy Big Brother housemate at Kapamilya actress na si Yen Santos. Siya ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lang na Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para kanilang ika-45 na edisyon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by YS (@ysantos)


 

Nanalo si Yen dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang A Far Away Land na pinagbibidahan din ni Paolo Contis.

Personal na tinanggap ng aktres ang kanyang tropeo kasama ng iba pang mga nanalo sa Cine Adarna ng UP Film Center nitong Huwebes, Nobyembre 17.

Nagpaabot kami ng pagbati kay Yen sa kanyang Instagram account kinabukasan pagkatapos niyang manalo at base sa kanyang reply ay halatang overwhelmed pa siya dahil sa pagkilalang natanggap mula sa Urian.

“Tito Leo, napakalaking karangalan po nito. Maraming, maraming salamat. Hindi talaga ako makapaniwala,” matipid niyang mensahe sa amin.

Umaasa si Yen na makakagawa pa ng magagandang pelikula sa hinaharap lalo na ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat.

Paolo Contis on working with Yen Santos in ‘A Faraway Land’: ‘Our chemistry was very easy‘

“Sana po … sana magkaroon pa ng maraming pagkakataon na makaganap ako ng iba’t-ibang karakter,” aniya pa.

Sa acceptance speech ni Yen sa UP ay inialay at pinasalamatan niya ang A Far Away Land co-actor na si Paolo para sa napanalunang award.

“Of course, to my leading man Paolo Contis, sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo. I'll always be your number one fan," pahayag ni Yen.

Pinasalamatan din niya ang Mavx Productions, ang direktor ng pelikula na si Veronica Velasco, pati na ang staff and crew.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by YS (@ysantos)

 

Sa kanyang Instagram post ay masaya ring ipinakita ni Yen ang kanyang best actress trophy.

“A moment I will treasure for a lifetime,” caption niya dito.

Kaagad naman itong ni-like ni Paolo at ng kanyang mga followers at kaibigan sa industriya.

Samantala, huling napanood si Yen sa Kapamilya series na Halik kasama sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Sam Milby.

TINGNAN: Yen Santos, binura ang mga litrato sa kanyang Instagram account

Isa sa mag last movie projects ni Yen Santos sa Kapamilya network ang Northern Lights: A Journey To Love na inilabas noong 2017. Ka-partner niya noon si Piolo Pascual.