• Home
  • Fresh Scoops
  • May ibinunyag si Sharon Cuneta tungkol sa kanila ni Kiko Pangilinan.

Sharon Cuneta, inaming nagkaroon sila ng ‘LQ’ ni Kiko Pangilinan: ‘We thought it would lead to separation’

May ibinunyag si Sharon Cuneta tungkol sa kanila ni Kiko Pangilinan.

Sharon Cuneta, inaming nagkaroon sila ng ‘LQ’ ni Kiko Pangilinan: ‘We thought it would lead to separation’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/20/2022 05:36 PM
Sharon Cuneta, inaming nagkaroon sila ng ‘LQ’ ni Kiko Pangilinan: ‘We thought it would lead to separation’
Photo Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Ibinahagi ni Sharon Cuneta na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawan ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan. 

Sa sunod-sunod na Instagram posts, ibinahagi ni Sharon ang iba’t-ibang litrato nila ni Kiko Pangilinan na kuha mula sa 18th birthday ng panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan. 

Dito, ibinunyag ni Sharon na nagkaroon sila ng mahabang LQ ni Kiko na nagsimula pa noong nasa US sila ng ni Regine Velasquez-Alcasid para sa Iconic concert tour nila doon. 


Ani Sharon ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila masyadong nagpapansinan noong nasa South Korea sila.

Read:LOOK: Sharon Cuneta, family fly to South Korea for husband Kiko Pangilinan’s birthday

Read: ‘My happy place’: Sharon Cuneta releases vlog on South Korea trip

“Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! 😂😂😂Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!” ani Sharon sa caption ng kanyang post. 

 

 

Sa isang litrato, makikitang nilalambing ni Kiko si Sharon. “Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months!” ani Sharon. 

 

 

Biro pa ni Sharon: “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na.😂😂😂❤️❤️❤️ @ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation.” 

 

 

Pag-amin pa ni Sharon, akala niya ay mauuwi sa hiwalayan ang kanilang pag-aaway. 

“Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation…🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤️❤️❤️ @ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation.” 

 

 

May tatlong anak si Sharon kay Kiko Pangilinan: Sina Frankie, Miel, at Miguel. Itinuturing ding anak ni Kiko ang anak ni Sharon kay Gabby Concepcion na si KC. 

Ikinasal sina Sharon at Kiko noong 1996.