• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariiing kinondena ng Viva Artists Agency (Viva) ang nangyari sa pagitan nina Debbie Garcia at Barbie Imperial.

Viva, naglabas ng pahayag kaugnay sa isyu nina Debbie Garcia at Barbie Imperial

Mariiing kinondena ng Viva Artists Agency (Viva) ang nangyari sa pagitan nina Debbie Garcia at Barbie Imperial.

Viva, naglabas ng pahayag kaugnay sa isyu nina Debbie Garcia at Barbie Imperial -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/02/2022 08:57 PM
Viva, naglabas ng pahayag kaugnay sa isyu nina Debbie Garcia at Barbie Imperial
Photo credits: @debsgarcia, @msbarbieimperial, and @vivaartistsagency on Instagram

Kasunod ng isinagawang pagsasampa ng kaso ni Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial, naglabas naman ng pahayag ang Viva Artists Agency (VAA) tungkol sa isyu ng dalawang aktres. 

Ayon sa Viva, hindi nito hinahayaan ang anumang klase ng karahasan. 


“Viva Artists Agency (VAA) does not condone any act of violence,” saad ng talent agency sa inilabas nitong pahayag. 

Matatandaang nagsampa ng kaso si Debbie laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor’s Office Miyerkoles ng hapon, ika-2 ng Nobyembre. 

Ito ay matapos kumalat sa social media ang bidyo kung saan makikita ang pisikalang pag-aaway sa pagitan ng dalawang aktres. 

Nagkamurahan din umano ang dalawa. 

BASAHIN: Debbie Garcia, nagsampa ng kaso laban kay Barbie Imperial

Lumabas din ang ilang litrato ni Debbie kung saan makikita ang ilang kalmot sa kanyang leeg at dibdib. 

Ayon naman sa Viva, sinusuportahan nila si Debbie sa kanyang naging ligal na hakbang laban kay Barbie.

“VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 21, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City,” saad ng Viva. 

Dagdag pa ng Viva, naniniwala sila na si Debbie ang napuruhan sa nasabing insidente. 

BASAHIN: Barbie Imperial, matapang na sinagot ang mga isyung binabato sa kanila ni Diego Loyzaga

“VAA believes that Debbie has been at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident,” ani ng Viva. 

Nakiusap naman ang na itigil na ang pagpapakalat ng bidyo sa social media. 

“VAA however kindly asks the public to refrain from further circulating copies of the video recording of the said incident on social media and allow the matter to be resolved legally,” ayon pa sa Viva. 

BASAHIN: Barbie Imperial says she is now ‘fully healed’

Ayon sa mga usap-usapan, ang dahilan raw ng pag-iinit ng ulo ni Barbie ay ang umano’y pang-aagaw at pag-date ni Debbie sa ex-boyfriend niya na si Diego Loyzaga.