• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagluluksa ang OPM industry sa pagpanaw ni Danny Javier, isa sa miyembro ng iconic singing trio na APO Hiking Society.

OPM industry, nagluksa sa pagpanaw ni Danny Javier

Nagluluksa ang OPM industry sa pagpanaw ni Danny Javier, isa sa miyembro ng iconic singing trio na APO Hiking Society.

OPM industry, nagluksa sa pagpanaw ni Danny Javier-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/02/2022 11:07 AM
OPM industry, nagluksa sa pagpanaw ni Danny Javier

Nagluluksa ang OPM industry sa pagpanaw ni Danny Javier, isa sa miyembro ng iconic singing trio na APO Hiking Society.

Pumanaw si Danny sa edad na 75 matapos na magka-cardiac arrest sa National Kidney Transplant Institute noong Lunes ng hapon, Oktubre 31.

Sa opisyal na pahayag mula sa kanyang pamilya, sinasabing komplikasyon dulot ng “prolonged illnesses” ang dahilan ng pagkamatay ni Danny.


"In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way," ani ng anak ni Danny na si Justine Javier Long sa isang Facebook post. 

“Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya… Sa lungkot at ligaya, hirap, at ginhawa, kami’y kasama mo.”

Agad namang bumuhos ang pakikiramay at papuri para kay Danny mula sa kanyang mga kasamahan sa music industry.

Ilan sa mga nag-post ng kanilang pakikiramay ay sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Judy Ann Santos, Martin Nievera, at Zsa Zsa Padilla.

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

 

 

 

 

 

 

 

Itinuturing na haligi ng OPM o Original Pilipino Music ang mga miyembro ng APO Hiking Society na sina Danny, Jim Paredes, at Boboy Garrovillo.

Ilan lamang sa mga sikat nilang awitin ay ang “Batang-Bata Ka Pa,” “Lumang Tugtugin,” “When I Met You,” “Awit Ng Barkada,” “Yakap Sa Dilim,” at “Pumapatak Ang Ulan.”