• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang napapabalitang nobyo na si Coco Martin.

Julia Montes, may simpleng mensahe para sa kaarawan ni Coco Martin

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang napapabalitang nobyo na si Coco Martin.

Julia Montes, may simpleng mensahe para sa kaarawan ni Coco Martin-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/02/2022 11:44 AM
Julia Montes, may simpleng mensahe para sa kaarawan ni Coco Martin
Photo credit: @montesjulia08 Instagram

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang napapabalitang nobyo na si Coco Martin. 

Sa kanyang Instagram post, maiksi ngunit malaman ang naging pagbati ni Julia para kay Coco.

“Continue to be YOU… Happy Birthday,” aniya.


 

 

Ipinagdiwang ni Coco ang kanyang ika-41 na kaarawan nitong Martes, Nobyembre 1.

Bukod kay Julia, bumati rin kay Coco ang ilan sa kanilang mga naging kasamahan sa sikat na seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Kasama na rito sina John Prats, Rowell Santiago, John Arcilla, Raymart Santiago, John Estrada, Michael de Mesa, Rosanna Roces, at Mark Lapid.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kram Ipdal (@marklapid)

 

Agosto nang magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano matapos ang halos pitong taon.

Nakatakdang mapanood si Coco sa 2022 Metro Manila Film Festival entry na Labyu With An Accent kasama si Jodi Sta. Maria.