• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuluyan nang gumawa ng legal na aksyon si Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial matapos ang naganap na away sa isang bar kamakailan.

Debbie Garcia, nagsampa ng kaso laban kay Barbie Imperial

Tuluyan nang gumawa ng legal na aksyon si Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial matapos ang naganap na away sa isang bar kamakailan.

Debbie Garcia, nagsampa ng kaso laban kay Barbie Imperial-Ann Manhit
BY
Ann Manhit
Instagram: @annmanhit

FRESH SCOOPS

11/02/2022 06:38 PM
Debbie Garcia, nagsampa ng kaso laban kay Barbie Imperial
Photo credits: @debsgarcia and @msbarbieimperial on Instagram

Itinuloy na ng Vivamax artist na si Debbie Garcia ang pagsasampa ng kaso laban sa aktres na si Barbie Imperial. Sa video ng journalist na si MJ Marfori nitong hapon ng November 2, 2022 ay makikita ang paghahain ng mga papeles ni Debbie laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor’s Office. 

“Medyo nag-heal na po siya,” sagot nito nang tanungin kung may mga sugat pa siya. 

Matatandaang umikot na sa social media ang ilang litrato ni Debbie kung saan makikitang may mga kalmot ito sa leeg at dibdib. 


Aniya, nagsimula nang maghilom na ang mga ito dahil sa panahong nagdaan. 

“Five days na rin ang nakalipas,” paliwanag ng aktres. 

Madaling araw ng October 28, 2022 nang magkatapatan sina Debbie at Barbie sa isang bar sa Timog Avenue, Quezon City. Nag-abot umano ang dalawang aktres at nagkasagutan. Nagkamurahan pa raw at nagkasakitan ang dalawa. Sa bahaging nahagip ng CCTV ng nasabing bar ay makikita na may mga pumipigil sa away ng dalawang babae. Agad na ipina-blotter ni Debbie si Barbie sa police station ng Kamuning, Quezon City matapos ang insidente.

Sa kaniyang social media ay tila may hirit si Xian Gaza na may kinalaman sa isyu. Bagama’t minsan nang nagka-isyu si Xian dahil sa pagpapaka-marites niya kina Barbie at Diego Loyzaga, tila ipinagtatanaggol pa rin niya ang kaniyang celeb crush.

“Nag-submit ng CCTV footage sa media pero putol para hindi natin makita kung paano niya pinrovoke,” ani Xian sa kaniyang Facebook post. “Mahinang nilalang. Magaling lang mang-agaw ng jowa.”

BASAHIN: Barbie Imperial, matapang na sinagot ang mga isyung binabato sa kanila ni Diego Loyzaga

Ayon sa mga usap-usapan, ang dahilan raw ng pag-iinit ng ulo ni Barbie ay ang umano’y pang-aagaw at pag-date ni Debbie sa ex-boyfriend niya na si Diego Loyzaga.

Matatandaang kinumpirma nina Barbie at Diego ang kanilang hiwalayan bandang Pebrero ng taong ito. Aminado si Barbie na hindi naging mabilis o madali ang kaniyang pagmo-move on. Nasabi na rin niya na isa sa mga dahilan kung bakit naging masakit ang paghihiwalay nila ay dahil minsan na nilang plinano ang kinabukasan nila.

“May mga conversations na kami about getting married, kung saan kayo titira, mga plans niyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience 'yun,” aniya. "So 'yun siguro 'yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin kasi plinano ko 'yung buhay ko with him tapos biglang nawala. Pero 'yun, ganun naman talaga. Lessons learned."

Sa kabila nito ay naging maayos naman ang hiwalayan nila. Mismong si Barbie na rin ang nagsabi na umabot na siya sa punto na masasabi niyang naghilom na siya at tanggap niya ang paghihiwalay nila ni Diego.

BASAHIN: Barbie Imperial says she is now ‘fully healed’

“Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay," diin ni Barbie.

"I think it's for the better naman,” dagdag pa niya. “And even si Diegs naman alam niya naman 'yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart.”

Matapos ni Barbie ay na-link na rin si Diego sa ex-PBB alumna at Pabuya co-star na si Franki Russell.

BASAHIN: Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell

Samantala, nakatrabaho naman ni Diego si Debbie sa pelikulang The Wife. Huling napanood si Debbie sa pelikulang May-December-January. Kasalli rin siya sa Philippine adaptation ng South Korean thriller na The Housemaid.

Ayon sa source ng kolumnistang si Rey Pumaloy, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkainitan sina Barbie at Debbie. Naganap na umano ang parehong bangayan sa isang bar sa BGC.

Sa ngayon, patong-patong na kaso ang isinampa ni Debbie laban kay Barbie, kabilang na ang slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed. Wala pang pahayag si Barbie ukol sa mga nagaganap.