• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nababahala si Ritz Azul na supporting role lang siya sa ‘Mamasapano: Now It Can Be Told.’

Ritz Azul aminadong na-enjoy ang pag-aasawa kaya nag-gain ng weight

Hindi nababahala si Ritz Azul na supporting role lang siya sa ‘Mamasapano: Now It Can Be Told.’

Ritz Azul aminadong na-enjoy ang pag-aasawa kaya nag-gain ng weight-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2022 08:00 PM
Ritz Azul aminadong na-enjoy ang pag-aasawa kaya nag-gain ng weight
Photo Credit: @ritzazul on Instagram

Balik-acting si Ritz Azul pagkatapos niyang ikasal sa non-showbiz husband na si Allan Guy. Pero kapansin-pansin na hindi malaking role ang ginagampanan niya sa Mamasapano: Now It Can Be Told na entry ng Borracho Films sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Sa pelikula ay gaganap si Ritz na isang TV news reporter. Malayo ito sa mga roles na ginagawa niya before kung saan kadalasan ay siya ang leading lady.

“Ako po kasi, nandito po ako sa industriya bilang artista. Hindi po ako pumipili ng bida, hindi bida. Lahat po yan, gusto ko po talagang ma-experience.


“Nasuwertehan lang po ako na nag-umpisa akong pumasok sa pag-aartista, lead role po agad ang mga naibigay.  Ngayon, masaya po ako na nakatatanggap po ako ng supporting roles. 

“Dito naman po sa industriya natin, hindi naman po do’n ang basehan. Sabi nga po nila, ang basehan ng pagiging artista ay ang longevity po. Passion ko pong talaga ang pag-acting," katwiran ng aktres kung bakit tinangap ang maliit na role sa Mamasapano.

BASAHIN: Ritz Azul, husband Allan Guy marry for second time in Palawan

Dagdag pa niya, "Hindi ko po tinitingnan kung bida, supporting yan. Basta may role, may character akong gagampanan, masayang-masaya po ako dahil nami-miss ko pong talaga ang pag-acting. Lalo na kung maganda ang intention ng pelikula, bakit natin tatanggihan?”

Eh, bakit nga ba siya nagpahinga sa showbiz?

“Choice ko po yon,” kaagad niyang sagot. “Kung ano po ang dumating na offer, na project, puwede ko namang tanggihan at puwede ko rin naman pong tanggapin.

“And yes, medyo lumaki ako. Sabi nila, hiyang daw sa pag-aasawa. I wasn’t doing anything for a while. But now, slowly, I’m going back to acting with new offers and I’m also back to dieting and exercising to get rid of the weight I gained while I wasn’t busy,” kuwento ni Ritz.

Ibinahagi rin ni Ritz sa PUSH na siimula nung nag-asawa siya ay nagkaroon siya ng panahon sa sarili.

Aniya, “Masaya po ako ngayon sa buhay ko. Dati po, hirap po ako sa schedule ko dahil sobrang focused ako sa career ko. Everyday taping, walang pahinga. Pero ngayon, ang sarap din pala na hawak mo ang sarili mong schedule.

“Ngayon ko lang din po na-experience 'tong ganito sa halos  more than 10 years ako sa industry. Ngayon gagawin ko ang gusto kong gawin, yung mga ganung bagay po. Nag-i-enjoy po ako ngayon kaya medyo lumaki po ako. Masaya po ako ngayon. Hahaha!”

BASAHIN: Ritz Azul, nagpositibo sa COVID-19 ilang araw bago ang kanyang kaarawan

Masayang ibinalita rin ni Ritz na suportado ng kanyang asawa ang pagbabalik niya sa pa-arte.

“Napag-usapan na rin namin at alam naman niya na gusto ko talaga ng acting. At saka siyempre, nang makilala niya ako, artista na rin naman ako.

“Pero siyempre, may mga restrictions na rin tayo, may mga limitation na rin dahil may asawa na rin. Hindi na tulad ng dati na all out talaga. Ngayon, pipiliin na rin natin ang mga projects na gagawin,” lahad pa niya.

Ang Mamasapano: Now It Can Be Told ay ipapalabas sa December 25. Pinagbibidahan ito nina Paolo Gumabao, Aljur Abrenica at Edu Manzano.