• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa rin makapaniwala si Jessy Mendiola na may sarili na silang customized van ni Luis Manzano.

PANOORIN: Luis Manzano, Jessy Mendiola, ibinida na ang customized van na may sariling restroom

Hindi pa rin makapaniwala si Jessy Mendiola na may sarili na silang customized van ni Luis Manzano.

PANOORIN: Luis Manzano, Jessy Mendiola, ibinida na ang customized van na may sariling restroom-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/19/2022 09:14 AM
PANOORIN: Luis Manzano, Jessy Mendiola, ibinida na ang customized van na may sariling restroom
Screenshot from Jessy Mendiola YouTube Channel

Ibinida nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang customized van na may sariling restroom. 

Sa pinakabagong vlog na inilabas ni Jessy, ipinasilip nila ang kauna-unahang customized van na pinagawa nilang mag-asawa.  

Tinawag na milestone ni Jessy ang pagkakaroon nila ng van dahil hindi pa siya nagkakaroon nito noong nagta-taping siya. Ayon pa kay Jessy, mas inuna niya ang pamilya niya noon kaysa sa kanyang sarili. 


BASAHIN: Jessy Mendiola posts cryptic message: ‘It’s okay to cut people off from your husband’s life’

“Isang milestone for me ito kasi gusto ko lang din i-share na nung nagte-taping pa ako, nung gumagawa pa ako ng mga teleserye, pangarap kong bumili ng ganitong kotse at magpa-customize. Pero dahil hindi ko pa kaya noon siguro kasi inuna ko ‘yung family ko kaysa sa sarili ko,” ani Jessy. 

Dagdag pa nito, si baby Peanut ang dahilan kung bakit niya naisipang bumili ng van. 

“Naisip ko, ‘Sayang naman sa pera kung nagte-taping ako tapos lagi naman akong nasa set, hindi ko naman kailangan ng malaking van or ng customized na van.’ So, pinagpaliban ko muna ‘yun. Pero I think ito ‘yung reason kung bakit naisip kong bumili ng van is because of baby Peanut. Si baby Peanut lang pala ang makakapagpush sa akin bumili ng ganito,” saad ni Jessy. 

BASAHIN: Vilma Santos surprises Luis Manzano, Jessy Mendiola with a special gift for baby Peanut

May sarili rin silang cooler na pwedeng paglagyan ng gatas ni baby Peanut at “changing station” kung saan pwedeng palitan ng damit si Peanut. 

Ayon pa kay Jessy, hindi umano praktikal ang pagbili nito noon para lamang sa taping dahil mga liblib na lugar umano ang kanilang mga locations noon. 

“Siyempre hindi maiiwasan na may mga long drives ganyan. Kailangan mo din umihi tapos siyempre ayaw mo na rin bumaba. Kung wala kayong mahanap na CR or maiiihi-an, ayan, meron na dito,” ani Jessy. 

May sarili ring restroom ang van nila. May toilet, sink at sariling aircon din sa loob ng restroom. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Sa pagtatapos ng vlog, todo ang pasasalamat ni Jessy na sinabing hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na silang sariling customized van.