• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia wants to focus on raising her son Amari as much as possible.

Coleen Garcia on possibility of having baby no. 2 after Amari: ‘It’s a good time’

Coleen Garcia wants to focus on raising her son Amari as much as possible.

Coleen Garcia on possibility of having baby no. 2 after Amari: ‘It’s a good time’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2022 07:53 PM
Coleen Garcia on possibility of having baby no. 2 after Amari: ‘It’s a good time’
Photo Credit: @coleen on Instagram

Nasa France pa rin si Coleen Garcia kasama ng asawang si Billy Crawford at anak na si Amari. Sinamahan niya ang mister sa France nung sumali ito sa Danse avec les stars o ang version ng France ng reality dance competition show na Dancing with the Stars kung saan si Billy ang naging grand champion.

“Nandito pa kami sa France. We’ll be here siguro until first week of December,” ani Coleen sa ginanap na digital conference ng pelikulang Kaluskos.

“Actually hindi talaga siya bakasyon. Hindi talaga siya feeling vacation. Sa three months na we’ve been here, one day lang kami sa hotel and the rest of the time sa apartment na.


“Siyempre, iba siya sa buhay Pinas na may mga katulong, may mga nag-aalalay sa amin. Dito talagang we had to do everything ourselves, so ibang experience talaga siya,” kuwento pa ng aktres.

BASAHIN: Coleen Garcia on Billy Crawford’s win: ‘You deserve all of this and more’
 
Ang Kaluskos ay pinagbibidahan ni Coleen at ipinalabas sa nakaraang 2022 Cinemalaya Independen Film Festival. Magkakaroon ng theatrical release sa December 7, 2022. Kaluskos is under the direction of Roman Perez Jr.

Hindi na madalas gumawa ng pelikula si Coleen simula noong naging mommy na siya ni Amari. Her last film was Adarna Gang pa noong November 2021. Mas priority niya raw kasi talaga ngayon ang pag-aalaga sa kanilang panganay na anak.

“I don’t think I purposely limit pero mahirap din for every production to consider din na bitbit ko yung anak ko and everything. Parang mahirap din naman to consider pero wala, e, non-negotiable pa talaga siya kasi I never spent one single night away from Amari,” paliwanag niya.

“So, nagpapasalamat talaga ako kasi ang Viva saka si Direk Roman, they’re really so understanding about that. And I don’t think, lalo na siguro kung teleserye, na magiging madali siya kung palagi kong kasama si Amari.

“I know it will not last forever kasi hindi naman siya bata forever. Inuuna ko lang talaga siya now,” patuloy niyang pahayag.

BASAHIN: LOOK: Coleen Garcia flaunts fit body in Amanpulo

Two years old na si Amari kaya tinanong ng PUSH si Coleen kung may balak na ba sila ni Billy na sundan ang bata.

Tugon niya, “It’s a good time, it’s a good time naman. But it’s still up to God pa rin, at the end of the day.

“Na-realize ko din naman na akala ko kasi, nung pregnant ako, sabi ko, ‘Ay, madali lang ito. Parang nine months lang ang mawawala sa akin.’ Pero hindi.

“Two years na yung nawala sa akin na I don’t feel like it’s going to be cut short anytime soon. Raising a child is not easy and ang sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari and I feel like if we have another child now, doable naman, manageable naman, pero the way na natututukan namin siya ngayon, iba kasi talaga.

“Although we can multi-task, mas gusto ko yung focus talaga and then, kapag nakakausap na namin siya, nakakaintindi na siya, mae-explain na namin at maiintindihan niya, yon ang ideal time talaga para sa akin na masundan siya.”

Sa Kaluskos ay ginagampanan ni Coleen ang karakter na isang career-oriented mother na kinuha ang custody ng kanyang anak na babae sa asawa nito until matuklasan niya ang isang misateryo na dinaranas ng sariling anak dahil na rin sa naging kapabayaan niya bilang nanay.

“Actually hindi siya horror, more on thriller siya kasi wala naman siya ditong mga multo, aswang or white lady or ispiritu. But I can say na this is the closes to a horror film that I’ve done,” description niya sa genre ng pelikula.