• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni Jameson Blake kung ano ang hinahanap niya sa kaniyang susunod na makaka-relasyon.

Jameson Blake, nilinaw ang real score sa kanila ni Heaven Peralejo

Sinagot ni Jameson Blake kung ano ang hinahanap niya sa kaniyang susunod na makaka-relasyon.

Jameson Blake, nilinaw ang real score sa kanila ni Heaven Peralejo-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2022 10:25 AM
Jameson Blake, nilinaw ang real score sa kanila ni Heaven Peralejo
Photo credit to @jmsnblake and @heavenperalejo Instagram

Labis na hinangaan ang aktor na si Jameson Blake bilang si Drew Estrella sa successful Kapamilya series na A Family Affair

Bukod sa pagpapamalas ng kaniyang talento bilang isang mahusay na aktor, isa rin sa hinangaan ang naging chemistry nila ng kaniyang naging on-screen partner na si Heaven Peralejo na ginampanan ang role ni Tori Simbulan. 

At dahil sa effective na chemistry nila ni Heaven, aware aniya si Jameson sa mga bali-balitang pagmamabutihan umano nila na binigyang linaw rin ng Kapamilya star sa isang episode ng Magandang Buhay.


“We're friends,” sambit ni Jameson. 

Patuloy ng aktor, ”I mean that's pretty much how I see things also and I also explained it a few times then even sa vlog ni Mama Ogie (Diaz) I also explained that. So yeah, this is pretty much it, you know as friends. We developed a good connection during the show and that helped me also sa mga scenes namin together It was easy to connect sa mga eksena so. And I would say she's a good actor and a good friend,” ani aktor.  

Sa usapin ng buhay pag-ibig, nilinaw rin ni Jameson ang single siya ngayon. 

“You know, I'm getting older. I mean, I'm open to be honest. I'm open to it now and I'm not it's not like my priority but I'm keeping my doors open. I mean there's whatever happens, happens. But yeah I would say work pa rin ang nasa isip ko and I mean, just to balance everything out,” ani aktor. 

Single and ready to mingle rin aniya ang aktor at ibinihagi rin ang qualities ng isang babae na kaniyang hinahanap. 

“Siguro understanding, someone who’s understanding. Based on my experience, who would understand my work and understand my lifestyle that there will be days I’ll be busy. And I have to make sure that she understands that kasi long term may not work. So that’s this one thing I noticed that I would prefer that someone will understand din sa side ko rin. Of course, I will be understanding rin as well pero if we’re on the same page it will makes more even better,” pagbabahagi ng aktor. 

Bukas rin aniya ang aktor sa posibilidad na non-showbiz ang kaniyang susunod na makarelasyon na mayroong mas pribadong buhay malayo sa show business.

“Well in general naman you can never say naman when you meet someone lalo na when connection went quick. It could be someone in showbiz or someone outside showbiz, pero if you could ask me question I prefer maybe outside showbiz, I guess, just to you know, maybe just to keep things more private I guess. Less maingay I think that’s how I view it pero like what I said kanina, you can never tell what you need,” pahayag ng aktor.